Jasper P.O.V
Diko pa nakakausap yung pandak simula pa nung sa bus at kanina ko lang siya nakita, nadagdag pa sa pagkabadtrip ko ang ponsyo pilatong kanina pa nagnanakaw ng tingin kay lance, hindi naman ito napapansin nung pandak dahil busy ito sa pagkukuha ng clay kaya ang ungas kanina pa nakatingin kay lance, kaya padabog kong inilalagay lahat ng madampot ko kahit hindi naman yun kailangan bahala tong dalawang to kung pano nila to gagamitin.
Derk P.O.V
Gusto ko sanang isuntok tong kinukuha naming putik sa dalawang kasama ko dahil kumukulo ang dugo ko sa magpinsang to, lalo na tong ungas na kinuwelyuhan si lance nung nakaraan, ansarap sapakin ng putik ang pagmumukha nya, pero hinayaan ko nalang silang dalawa na kumuha dahil nakatanaw ako kay lance na busy sa paglalagay ng organic na putik na kinukuha nila, mas lalo pang nadagdagan ang paginit ng ulo ko sa isang kasama nya na halos hindi maalis ang tingin kay lance, titirisin ko mata nyan pagnagkasalubong kami dito...
Napatayo nalang ako bigla ng muntik ng madulas si lance pababa kasabay ng pag hulma ng kamao ko ng maalalayan sya nung lalaking kanina pa titig na titig sa kanya, put@!! napamura nalang ako habang padabog na bumalik dun sa dalawa na nakatanaw rin kila lance, kinuha ko ang atensyon nila ng ishoot ko ang hawak kung putik sa hawak nilang lalagyan
"Ang bagal nyo!" pero tanging asik lang ang nakuha kong sagot, tskk!!! nakakawalang gana tong activity na to nagsayang lang ako ng damit at oras, asarr!!!
Lance P.O.V
Muntik na sana akong magpagulong gulong sa putikan dito dahil sa katangahan ko buti nalang naalalayan ako ni Luke at nakabalik ako balanse ko
"Be careful" halos bulong nito kaya nagbow ako at nagpasalamat, naagaw nalang ang atensyon namin dahil sa isa naming kasama na kanina pa dada ng dada
"Uyy!!!! Sweet birds! Yieeee!!" Napabitaw ako kay Luke at humarap kay Gideon at nagbow, magpinsan din pala tong dalawang to pero napaka layo nila sa isat isa, si Gideon eh madaldal samantalang itong Luke naman eh sobrang tahimik, kaya komportable ako kung tahimik lang kami kumikilos pwera nalang kung hindi makapagpigil ang dila ni Gideon at laging sinusuway ni luke, mukha silang aso't pusang hindi mapagbati.
"Lance pasado naba insan ko sa standard mo?! Average lang mukha nyan pero mapagtitiisan naman hahahhahah!!" saka sya humagalpak ng tawa nagkibit balikat nalang ako at hindi na inintindi ang tanong nito, may hangover ata gideon nato, pero kung sakin lang napaka gwapo nilang magpinsan, si Gideon matumbok ang pisngi na bumagay sa mahabang nyang pilik mata at makapal na kilay nya ,para nga syang cute na animei sa mga palabas pero si luke ang nakakainggit halatang nanggaling sa magandang lahi mukhang kaya nyang tapatan ang pinakagwapo sa university namin kung meron man.
Malimit lang ako sumagot sa kanila kanina dahil napakakulit nung Gideon wala atang minuto ang tinatahimik ng bunganga niya...mayat maya ang kuda, kaya kahit ngayon ko lang sya nakasama eh immune na ang eardrums ko,
Nagpatuloy lang kami sa pagkuha ng gagamitin naming clay medyo marumi narin ako at mga kasama ko dahil naglaro pa si Gideon ng putik at binato yun kay Luke, buti nalang hindi pikon tong pinsan nya mamaya ibalibag tong Gideon na to yari sya hehe! biro lang mukha namang immune na tong Luke na to sa pinsan niya
Napuno na ang ibinigay saming lalagayan kaya nagsi-akyatan na ang iba saamin, medyo may kataas din kasi tong pinaghuhukayan nila ng putik, naunang umakyat si Luke dahil sya ang may dala nung nakulimbat naming clay at anggaling lang dahil parang sanay sya sa ganung gawain, anak mayaman ba to?
Pagka akyat ni Luke at sya namang pag-abot nya ng kamay ka Gideon nahihirap sa pagakyat
"We're done!" sigaw pa nya matapos maka akyat sa may patag na daan, binalingan ko nalang ng tingin ang daraanan ko at nagisip kung pano to aakyatin, sana hindi uli ako madulas,kung sakali baka magpagulonggulong ako sa may putikan,
Patapak nako sa may isang bato ng humarang ang isang kamay sa harap ko
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...