CHAPTER 61

1.4K 108 7
                                    

Lance P. O. V 

Four weeks passed.... 

  

Tapus na ang semester break....


Tapus na ang  Christmas and New year's break....  

 

Pero hindi ko naramdaman ang pasko at bagong taon... walang araw na hindi ako umaalis sa tabi ni Shin, ilang linggo na syang comatose pero wala paring pagbabago sa kanya...

Nakatikim pako ng sermon kay Kei  ng mawalan ako ng malay dito pero buti nalang at tinulungan ako ni Jasper na nagkataong nandito rin pala ng araw na yun.

"Lance you should rest ilang linggo ka ng walang tulog baka ikaw naman magkasakit nyan" paglapit ni sir Shan sa kinauupuan ko, pero ngumiti lang ako at hindi ipinakita ang pagod ko... kailangan kong mag-stay para kay Shin

"Ayus lang po ako!" kahit na halos tuyu na ang mata ko dahil sa hindi mapigil na iyak ko tuwing mag-isa ako eh pilit parin akong ngumiti kay sir Shan kaya tinapik lang ako nito sa balikat.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Shin na parang mahimbing lang na natutulog sa pagkakahiga nito. Nakafocus lang ako sa mapayapa nitong mukha na may nakakabit na mga aparato

Huy bombay tama na yan uy! gising na!!  

Pramis dina kita kakagatin!!

 

Saka yung sasabihin ko sayo dimo pa alam!!

 

Kaya gising ka na kapre.... hihintay na kita sa tuwing papasok...

Pupunuin ko ulit yung pool para sayo....

 

 

Ipagluluto kita kahit isang kaserolang adobo pa yan..


Kaya please bombay gising na!....

Hindi ko namalayang tumulo ulit ang mga luha ko habang hindi maalis ang tingin ko kay shin na mahimbing paring natutulog
 

"Lance your brother is here!" agaran ko namang pinunasan ang luhang kumalat sa pisngi ko at hinarap  si ma'am Reigh na nasa pintuan ngayon. Muli kong sinilayan ng tingin ang natutulog na si Shin bago lumabas...

Nagbow ako kay ma'am Reigh bago nya tinapik ang balikat ko at pumasok sa loob. Natanaw ko naman si kuya Seth na naghi-hintay sa may upuan kaya agad ko syang nilapitan...

"Kuya?!" pagtawag ko sa atensyon nito na ikinalingon naman niya

"Lance....is everything fine?!" nag-aalala nitong sabi kaya ngumiti lang ako at tumango, pati si Kei yan laging yan  ang tanong pag pumupunta rito.

"You should also take care of yourself baka mapano kapa!" Naupo ako at pinagmasdan lang ang mga nurse na dumadaan...I can't even think of myself now mas kailangan ni Shin ngayon na sya ang alalahanin para mapabilis ang paggaling nya...

"Nah...ayus lang ako" saka ako ngumiti ng pilit para mabawasan ang pag-aalala nito...

"Nag-aalala narin sayo sila lola, you should rest okay?" sa huling pagkakataon eh pilit kong ipinakita ang ngiting alam kong makakapagtago ng sakit na nararamdaman ko...

"Thanks God.... you're awake...are you okay Shin?" Parehas kaming napalingon ni kuya Seth sa pianggalingan ng boses kaya ganun nalang ang mabilisang kong pagtayo at pagbalik sa kwarto ni Shin....

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon