CHAPTER 9

2.1K 155 2
                                    

Lance Garcia's P. O. V

Pagkatapos kong kunin ang report na gagawin ko, pauwi nako sa pag-kalayo-layong mansion nila Shin.

Dumaan muna ako sa karinderya  para bumili ng ulam at kanin kanina pako nakakaramdam ng gutom at sakto na siguro to hanggang bukas ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko ng biglang dumaan ang sasakyan ni Shin kasabay ng pagsunod ko ng tingin dito habang papalayo ito sa kinaroroonan ko, ngayon ko lang din na realize, ang swerte nya no? buong pamilya, marangyang pamumuhay, anak ng may-ari ng tanyag na school at higit sa lahat mahal sya ng marami, halos perpekto na ang buhay nito at hindi na nya kailangang magbanat pa ng buto yet he's making other people miserable o sadyang kinasusuklaman nya ang mga taong katulad ko?

.

7:30pm

.

Papasok na sana ako sa loob ng mansyon pero agad akong sinalubong nung kasing edad kong kasambahay na tila hindi mapakali at aligagang lumapit sakin.

"Ahhmm.. Kuya Lance pasensya na po pero pinapalinisan ni sir Shin yung condo nya malapit dito... " Hindi ito makatingin ng diretso sakin na parang kinakabahan na ewan, kaya tumango lang ako kasabay ng pag-abot nito sakin ng susi, i was about to leave ng nagsalita sya ulit.

"Hindi ko naman po alam na ipapalinis po nila sa inyo yun, kaya pinagkalat po nila ako kanina dun, hindi ko din po sila maintindihan kanina dahil sabi nya po tatanggalan nya po ako ng trabaho kung hindi po ako magkakalat, kaya pasensya na Kuya Lance napakadumi po nun, kanina ko papo kinalat lahat hanggang sa nakuntento po si sir Shin at pumasok na ng tanghaling yun" he can totally mess with his game.

Mariin lang akong ngumiti sakanya na nag-sasabing ayus lang bago ako tuluyang lumabas dala ang malalim na buntong hininga saka tuluyang tinungo ang address na nakakabit sa hawak kong susi.

Matapos ang walang kapagurang paglalakad ko narating ko rin sa wakas ang high class na condo nato.

Inilapag ko lang yung dala kong pagkain at bag saka  tuluyang pinasok ang condo ni Shin at agad akong sinalubong ng binagyong gamit sa loob nito, it's a totally MESS, catsup sa plane white king size bed, nagkalat na harina sa may makapal na floor mat,pastel colors sa plane white na dingding, damit na lumuwa na sa labas ng closet, tubig na umapaw na sa loob dahil pinabayaan ang faucet na bukas at mga kurtinang nalagyan ng spray paints dagdag pa ang mga balat ng chips, lata, pati mga bleaches halatang sinadayang ibuhos sa flooring.

'Nay totoo po bato?' with my widely bitter smile, this game is a really pain on ass, hindi ko alam kung anong ginawa ko pero bat parang galit ang mundo sa kagaya ko?? Are we  a real mess in this world??

Kahit san mang sulok ng mundo hahalughugin wala akong matandaang atraso ko sakanya, sumulpot lang sya bigla and everything just happened ng hindi ko alam kung san ang pinagmumulan ng galit nya.

Hindi ko lubos maisip na gusto kong tahimik na buhay lang eh magiging ganito pala ka-miserable, gustuhin ko mang umayaw pero nakasalalay sakin ang pang-gamot ni Lola, mas hindi ko kakayaning may masamang mangyari sakanya.

'Lance sisiw lang to...para sa Lola mo'

.

.

.

It's already 30 minutes passed ng magsimula ako pero kung anong nakita ko kanina wala paring pinagbago mukhang malalapa sa bagyo ang dumaan dito.

Hindi ko alam kung kailan ako matatapos dito o matatapos ko ba to ng isang buong gabi lang may pasok pa naman bukas latang gulay na naman ako nito.

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon