CHAPTER 58

1.4K 104 4
                                    

Lance P. O. V


Nasa kalagitnaan kami ng last class namin at napagtagumpayan ko namang ilusot si Kei sa hindi nya pagpasok ngayong oras at ganun nalang ang pasasalamat ko ng hindi na  nagtanong pa si Mr.lopez.

Pero nagaalala ako pagalis nito dahil sa hindi ko sya napaalalahanan na wala sa itsura ni kuya Seth ang mag-kagirlfriend hindi naman sa dina-down ko ang ganda ni Kei pero mukhang hindi ata pala-girlfriend si kuya Seth....hayssttt bahala na mamaya kung anong resulta ng confession nya.

                                          _ _ _

Hinintay  ko pa si Kei ng ilang minuto sa loob ng room pero wala ni anino nya ang nagpapakita, yawa masama ang kutob ko sa hindi nya pagpapakita.

Lumabas narin ako ng room at winaksi ang kabang nararamdaman ko at magtungo sa library para kumuha ng librong babasahin ko. Pagkakuha ko ng ilang libro eh napagdesisyunan kong sa labas magbasa dahil hindi ko feel ang magbasa ngayon sa loob ng library, pinayagan naman akong ilabas ang libro ni ma'am Talyne kaya nagtungo ako sa dome para dun magbasa...

Wala masyadong tao dito at wala ding naglalaro sa may court kaya sa tapat ng ring ako naupo at binuklat ang dala kong libro. Wala pako sa kalahati nitong binabasa ko ng may marinig akong pagiyak na unti-uting lumalakas sa pandinig ko, iginala ko ang paningin ko sa bawat sulok nitong dome ng matanaw ko si Kei na papalapit sa kinaroroonan ko at humihikbi ito, bigla naman akong napatayo ng makalapit na ito sakin at niyakap para patahanin

Wala akong mahanap na salita para mapatahan sya kaya pinaupo ko lang sya sa may lapag at naghi-hintay na sya ang unang magsalita, i don't have a right words para patahanin sya dahil I'm not used to it na may nakikitang umiiyak sa harapan ko, kaya hinayaan ko lang syang umiiyak at hinahaplos ang buhok nito...

"Sorry....hindi kita napaalalahanan na hindi pa nya gustong pumasok sa lovelife at may priority syang pinaghahawakan!" hindi ko na napigilang hindi manahimik dahil mukha talagang wala syang balak magsalita at tanging hikbi lang ang ginagawa nya habang nakasubsub sa balikat ko

" Alam ko naman na *hik he's not into relationship at ni isang girlfriend *hik wala pa sya...im his number one fan kaya *hik alam ko lahat sakanya pero *hik masakit pala!" patuloy parin sya sa pagiyak at tinapik-tapik ko na ang likod nya para naman mabawasan ang pagiiyak nito

"Eh bakit kapa nag-confess?" hindi sa gusto kong gatungan ang pagiyak nito pero kung alam pala nya bakit pa sya nag-confess? 

"You'd never know unless you try....hahahaha ayoko namang mag stick sa crush ko lang sya kung pwede ko namang itanong kung may pag-asa ako diba? Sometimes confession is not about being brave to confess your fellings, sometimes it's also a clue kung may pag-asa ka sa isang tao at sa hinahanap mong sagot na gumugulo sa isip mo. It's better to face the reality kaysa sa nagkukulong ka sa mga conclusions mo....but now that I know that I don't have a chance to him, eh pwede nakong lumandi sa iba hihi!" tila back to normal ang lahat ng maging kwela na naman ang boses nya kahit humihikbi parin sya.... she's broked a while ago ako pero mukhang walang nagyari ng nakangiti na itong nagpupunas ng luha nya...how brave she is....

"Sobrang drama ko ba? Hahhahahaha!" bumalik na ito sa dati niyang ispiritu kaya napakunot ang noo ko, ibang klase rin ang babaitang to

"Bat tawang tawa kapa?" nagaalala parin ako dahil mahirap ang ginawa nya at baka tinatago nya lang ang sakit

"Hahahha ano kaba lalaki lang yun marami pa dyan sa tabi-tabi, natatawa lang ako dahil paniguradong mare-reject din ang bruhildang Maxine na yun hahahhahah!!" tila hindi sya umiyak kanina at tuma-tawa na ito ng pagkalakas-lakas kaya hindi ko alam kung tatawa rin ba ako para sa happiness nya o magaalala dahil sa mental condition nya...yawa talagang babaeng to..

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon