CHAPTER 18

2K 148 3
                                    

A/N: any comments and concern sa story ko po free to tell masabaw po ba? Oh sakto lang need your answer plss.... Anyways next chappy na po heheh

Lance P. O. V

Back to normal na ulit yung buhay ko pagbalik sa mansion nila shin, pero yung balat ko hindi parin normal halata parin yung pantal at pamumula nito, kaya pumasok akong naka yellow hood na may tenga ni pikachu sa taas nagmukha tuloy akong timang na kinder sa suot ko, eto lang kasi yung available, ginamit ko ulit yung isa kahapon kaya bumaho na, nakayuko akong naglalakad habang sumasabay na tumatalbog yung tenga ni pikachu sa ulo ko kaya nabwiset ako kaya hinawakan ko to, habang naglalakad makailang hakbang pako ng may tatlong taong humarang sa daan ko halatang mga babae dahil sa suot nitong high heels, naramdaman ko nalang na wala na sa pagkakatakip sa ulo ko yung hood na suot ko dahil sa paghaklit ng babaeng nasa harap ko, napatungo nalang ako ng ulo at siya namang bilis ng pagbow ko sa tatlo...napaatras pa sila dahil sa mukhang tumambad sa mga ito

"Gross!!! " sabi ng nasa kanan ng babaeng nasa harap ko.

Nakaramdam ako ng mabilis na bagay na dumampi sa pisngi ko dahilan para tumagilid ang mukha ko at makita ang mga ibang istudyanteng napatigil sa paglalakad at matuun ang atensiyon sa babaeng nagsampal sakin ng makapal na folder, dahil din sa lakas ng pagkabalibag nito sa mukha ko nag liparan ang ibang pages nito na mas lalong ikina agaw pansin ng lahat, nakarinig na rin ako ng mga bulungan, ng unti unti ng magkumpulan ang mga istudyante sa kinaroroonan namin... Kung normal students lang ang nasa posisyon ko siguro naguumpisa na ito sa pagiyak but for me wala na sakin tong ganung eksena...
Binalik ko na yung tingin ko sa kanila kahit iniinda parin yung sakit ng pagsampal nito, sinuot ko ulit yung hood at nag bow sakanila sinimulan ko na yung pagpupulot ng mga pages na nagsikalat sa sahig para ibalik ito sa kanya pero napatingala ako ng inapakan niya ang isang page na pupulutin ko na sana.

"STAY AYAW FROM MY JASPER!!! " sarkastiko nitong saad, sabay pinunas na parang basahan ang papel na kanyang inapakan.... Just like i thought mapapahamak at mapapahamak ako dahil sa paglapit ng Jasper na yun, kaya sinusubukan kong umiwas pero wala akong nagagawa dahil nasa teretoryo nila ako at sila ang nasusunod....

Patuloy pako sa pagpupulot ng natitirang mga coupon ng nagsi tigil ang mga bulungan at ingay sa buong parte ng hallway nayun tanging garalgal lang ng sapatos ko ang naririnig ko at pag tiklop ng mga coupon habang pinupulot ko ang mga ito, hindi ko nalang sila pinansin at mabilisan pang pinagkukuha natitirang mga kopya sa sahig mangilan ngilang coupon nalang ang natitira ng may humaklit sa braso ko dahilan para mabitawan yung naayus na mga papel sa kamay ko, nilingon ko kung sino ang taong yun pero bago pako makatingin nagsalita ulit yung babae kanina na halatang gulat na nakatingin sa taong may hawak ng braso ko

"Ja-jasper!!! " ng marinig ko ang garalgal na boses nito agad kong nilingon ang taong may hawak ng braso ko at laking gulat ko nalang ng isang galit na jasper ang nakatingin sakin, napayukong pagbow ang nagawa ko dahil sa galit na mga mata nito halata din sa pagkakahawak niya sakin dahil sa higpit nito
"Pasensya na po ku-" hindi ko na natuloy dahil sa paghatak nito sakin papalayo sa hallway nayun

Nakarating kami malapit sa classroom namin at walang masyadong tao dahil sa hindi ito bungad, hindi ko nadin magawang dumaing sa sakit ng pagkakahawak ni jasper sa pulso ko dahil baka galit siya at kailangan niya ng punching bag na real life kaya ako nalang ang volunteer.. thats my role in this school there toy and punching bag, nakatingin lang ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa pulso ko at iniinda ang sakit nito, napatingin din siya dito at agad niyang tinanggal

"Sorry!! " pero agad naman akong nagbow at sinabing okay lang

"Pasensya na po ku-" pinutol niya ang sasabihin ko ng napasabunot siya sa buhok niya

"Look.... Iam sorry nadala lang ako dahil sa nakita kong--UGRHH!!!...Lance bat hindi ka lumaban!? " nanggigigil na saad nito

"Po?! " wala sa sariling tanong ko dito,habang mukha siyang tangang naka sabunot sa sarili nyang buhok at nagtata tatalon

"Sh*tt!!! Alam mo ...tuwangtuwa akong naiinis sayo..."

napatingala ako ako sakanya at naka sabunot parin siya sa buhok niya at namumula ang mukha sa sobra daw inis at tuwa.... Sira na pagiisip nito, napakunot nalang ako ng noo sa sinabi niya
"Naiinis ako dahil sa hindi ka lumaban sa sakila and damn sh*tt!! Bat ang cute mo diyan sa suot mo?!? ang sarap mo gawing keychain!!" Bugok na atah utak nito at inaamag na, binaba ko yung hood ng jacket ko at nag bow sakanya naramadaman kon din ang pagkagulat niya, kaya bumalik ako sa pagkakatayo para umalis pero bigla na lang siyang nagsalita

"Hoy!.... Hoy!.... Hoy!....wag moko ulit iisnabin matapos kitang iligtas dun sa babeng nagpahiya sayo huy!!! " saka niya hinatak yung hood na sout ko dahilan para matigil ako sa pag talikod sakanya at muling pagharap sakanya

"Saka anong nangyari diyan sa mukha mo hah?! " naiinis na tanong nito, ano bang paki niya?!

"Bakit ka din inaaway ng mga yun!? " dugtong panito, i just bowed down at him at ngumiti ng mapait.

"kung pwede lang po sana Mr. Kennt huling paglapit nyo na po ito sakin ako po kasi ang nagpagbubuntunan ng mga humahabol sa inyo, tama na po sakin yung mga nakasanayan kong nangiinsulto sakin, wag na po sanang madagdagan pa! " nag bow ulit ako sakanya at iniwan siyang walang sagot, sinuot ko ulit yung hood ko at bumalik dun sa hallway at tama ako nakatunganga parin yung babaeng manampal sakin na nanunubig na yung mata,seryoso?! Kanina pa siya dyan? o sadyang mabilis lang yung paghaklit sakin ni Jasper?...napailing nalang ako at humarap sa babaeng bumalik sa ulirat ng nakita ako

"What?! " madiin nitong saad at tuluyan na ngang tumulo ang luha nya,syempre nag bow ako

"Pasensya na po kayo may inutus lang po si sir. Jasper! " palusot ko at nagumpisa nang pagpupulutin yung mga papel na naiwan dito.
Pagktapos nun nilagay ko sa folder na gusot na din at inabot sakanya at nagbow hinablot pa niya ito sakin at tunabig ng dumaan siya sa harap ko nagpatuloy nalang ulit ako sa naudlot kong paglalakad at tinahak ang daan papunta sa classroom namin...

_ _ _ * * * _ _ _

Jasper. P. O. V

Agad na nakuha ng attensyion ko ang mga istudyanteng nagkukumpulan sa hallway at dahil sa dun din ang daan ko lumapit ako at kunwaring umubo, napaharap naman ang mga nagbubulungan sa kinatatayuan ko at nahawi sila sa dalawa dahilan para tumambad sakin si Lance na nag pupulot ng mga nagkalat sa reasearch paper, dahil sa nakita ko tumaas lahat ng dugo ko sa inis, hinaklit ko si Lance patayo dahilan para magulat ito...
"Ja-jasper?! " gulat din ng babaeng hinala kong nagkalat ng papel.
Dinala ko si Lance sa hindi mataong lugar, pero nagulat nalang akong nakatayo sa huli nyang sinabi, ididn't know but hindi ako nakasagot i felt guilt dahil sa sinabi niyang yun. Sinundan ko siya ng palihim at talagang binalikan pa niya yung mga nagkalat na papel para pulutin, tinabig pa nung babae si Lance bago umalis... Aba't?? Hindi man lang nagpasalamat sinundan ko Pa ito at sinalubong sa paglalakad nagulat naman siya sa pagsulpot ko I gaved him a cold look at kita naman ang pagkabalisa nito
"H-hi!! Ja-sper!! " siningit pa niya yung buhok niya sa tenga niya masyadong malandi tss..
''Say good bye to your friends right now " diin kong tugon sakanya, naiinis ako sa babaeng to hindi ko alam lung bakit, I was close to all students here but sa babaeng to hindi ko alam kung saan siya pupulutin pagkatapos niyang gawin yung kay lance,she will be kicked out, iniwan ko siya ng walang hinihintay na sagot I need to talk to Dean at tawagan si Tito Shan para ma kicked out yung babaeng yun...

A/N: sabaw po muna kasi nanonood ako ng train to busan 2 heheh nadadala ako kahit pirated heheh hindi ko po ninakaw ahh pinasa Lang ng kapitbahay naming chismosa babawi po ako sa next chappie pramis patapusin ko lang tong zombie zombie nato hehhe COMMENT, VOTE AND SHARE kamsalamat

By:d_ar_k

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon