CHAPTER 6

2.6K 164 1
                                    

Lance Garcia's P. O. V

Dating routine pagkagising ko, sabado ngayon pero bukas pa daw ang alis ko sabi ni  Lola Gloria, nasabi ko na kila Lola na nakahanap ako ng trabaho at sabi pa nya wag na daw siyang intindihin kaso mas matigas ang ulo ko kaysa sakanya kaya napapayag ko din siya.

Ibinilin ko na sila kila tita kaya wala ng atrasan to, ipapakilala rin daw ako ni Lola Gloria sa mga magiging amo ko ngayon kaso mamaya pang hapon kaya eto magbabalak muna akong mag window shopping, hindi naman ako masyadong tutuk sa pagaaral, lunes hanggang biyernes bahay school pero pag weekend kung hindi sa malapit at sikat na mall dito, eh naglalabalaba ako para extra kita.

Tatatlo kami dito sa bahay kaya kargo ko lahat pero kinakaya ko naman kahit papano, konteng tyaga nalang at gra-graduate nako.

"Uy!! Kuya san ka pupunta?! " tanong sakin ni Aeron, kapatid ko sa tatang ko, simula kasi ng naaksidente sila iniwan sya nung nanay nya sa amin  kaya dumito na sya.

Grade two palang sya pero hindi sya spoiled at pasaway, kaya na nya ibang gawain sa bahay at napaka matured na din nyang magisip dahil siguro sa pagtututor ko sakanya, inaadvance ko kasi siya kaya ayan mas magaling pa sya sa grade six

"Sama ka? lalabas lang titignan ko ulit si Wat? " masayang sabi ko sakanya saka nilaro ang buhok nya

"Hindi na, babantayan ko nalang si Lola dito, enjoy kanalang kuya, ikamusta mo nalang ako sakanya" saka ito lumabas  sa may kurtina ng kwarto ko.

Tanging kurtina lang ang nagsisilbing pader ng higaan ko na syang naghihiwalay sa higaan ko't higaan nila Lola, hiwalay ang higaan ko kila Lola dahil late nakong natutulog kapupuyat para sa mga assignments ko, ayaw na din nila ako sumiksik  sa banig kaya hiningi nila yung katre ng kapitbahay namin saka nilagay dito para maging higaan ko, ohh  diba i have my own room hahahahaha joke lang

.

.

.

*Mall

.

.

.

Suot ang paborito kong  black t shirt naglakad lakad muna ako at tumingin tingin ng mga naka-display na bilihin  kahit hindi naman talaga ako bibili hehe.

Yan ang routine ko bago magpunta kay wat, na hindi ko alam kung bat ko din binabalik-balikan, lagi nalang ako napapadpad dun sa pet shop nayun dahil sa kanya.

Last time kasi na punta ko dito may nakatakas na  chawchaw na aksidenteng nabangga sa paa ko buti nalang di ganun kalakas ang impact, sabi pa nung may ari nung shop gustong gusto daw ako nung aso na hindi ko alam kung bakit, kaya simula nun lagi kong dinadalaw ang tuta na yun dito gusto ko mang alagan kaso yung presyo nun pang dalawang buwan na naming pang-ulam sayang lang.

Pumasok nako sa may shop saka diresto sa may mini park na puno ng mga tutang sobrang cute , dun nakalagay lahat ng aso kaya pagkapasok na pagkapasok ko sa may parang bakod nito lumapit agad sakin yung tutang chawchaw kaya nag indian sit ako sabay  kandong sakanya.

"Ano may bibili na ba sayo dito?" diba nasisiraan na din ako ng bait, kinakausap ko yung aso. Matagal na daw dito itong chawchaw nato pero dipa daw nabibili sa sobrang ilap , bakla siguro tong asong to at sakin nagmana.

"Bakla kaba watty? "

*Rowf *Rowf

Ohh diba sabi ko na barbie, saka nya dinilaan yung palad ko na ikinatawa ko dahil nakakakiliti.

Hanggang sa...

"Even you stare that the whole day, walang maawa sayong ibigay yan, alam mo bang mas mahal payan sa buhay mo? " napatigil ako sa pagtawa ng naramdaman ko ang paghinga ng kung sino sa tenga ko dahilan para magtayuan ang balahibo ko sa batok.

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon