SPCL CHAPTER

1.9K 140 7
                                    

Lance P. O. V

Habang naghahabol ako ng hininga sa kinauupuan ko tinignan ko ulit ang mga hawak kong mga pinamili niya, sa dami nitong hinahawakan ko puno ang braso't kamay ko sa mga nakasabit na shopping bags mga damit, laruan, pero ang nakapagpabigat dito ay mga pagkaing binili niya at mukhang wala pa siyang balak umuwi dahil mukhang hindi Pa nabawasan ang battery niya simula kaninang ikot kami ng ikot, nag suggest naman ako na wag masyadong gumastos baka magalit ang magulang niya pero mayaman nga naman matigas ang ulo kaya wala akong nagawa hinawakan ko lang yung mga pinagdadampot at mga ginugusto niyang bilhin, kanina din habang bumibili siya naisip ko din si Aeron, masama ang mainggit pero ano kaya ang felling na makita mo ang kapatid mong tuwang tuwa na makabili din ng mga gusto niya?napailing nalang ako sa pinagiisip ko kaya tumingin nalang ako kay Ike na nakangiting nakatingin sa mga batang naglalaro sa may mini park dito sa loob ng mall, he's so lucky na hindi niya naranasan ang nararanasan ko

"Why are you sad kuya lance?! " nabalik naman ako sa ulirat ko ng nagsalita si Ike

"Nothing!!! " saka ako nagiwas ng tingin at ngumiti,they are lucky to have their complete family plus convenient life pero kung anong kinaganda ng buhay ng ilan sa kanila ganun din ang pagsira nila sa buhay ng iba para lang sumaya sila...

"Sabi ko po ililibre kita ng gusto mo pero wala kanamang pinili puro ayaw mo yung mga gusto kong ibili sayo" napanguso siya kaya nawala ako sa pagdradrama ko

"Okay lang pera yun na pinaghirapan ng parents mo kaya wala akong kinalaman dyan!"
Mas lalo pang humaba yung nguso niya na ikinatuwa ko

"Your so hard headed kuya lance but... " saka siya may kinuhang kung ano man sa hawak niyang shopping bags

"Don't refuse this or else magtatampo na po talaga ako sa inyo!! " saka niya nilabas yung mamahaling chocolate na pinakamahal na nabili namin sa lahat, sabi niya kasi madalas daw na yun ang binibili ng daddy nya pag pumupunta silang mall kaya napadaan kami dito kanina , naluwa nga yung mata ko ng nakita ko yung presyo, pang limang buwan na naming pagkain yun kung sakali, binuksan niya ito at inabot sakin yung isang piras, tinignan ko muna ito pero nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko ni hindi ko nga mabilhan ang kapatid ko ng gantong kamahal kaya itinulak ko ito pabalik sakanya yumuko naman ito ma ikinabahala ko

Inangat ko ang mukha nito at may mga luha ng tumutulo sa matambok nitong pisngi

"Ike!! Ayus kalang?! " aligagang tanong ko hindi panaman ako sanay na may batang umiiyak sa harap ko maski si Aerom diko pa nakikitang umiyak kaya hindi ako sanay hala baka isumbong ako nito sa nanay niya ipabaril ako ng di oras, mas lalong lumakas yung pagiyak niya kaya may nakakapansin na din sa amin kaya lalo akong kinabahan

"Huy!! Bat ka umiiyak wag kanamang magbiro
baka mapatay akong tatay mo nito! " bulong ko dahil kinakabahan nadin ako, nak ng ano bang iniiyakan nito? Juice me

"Kuya Lance refuse the chocolate so... " saka ulit siya humagulgul juice ko tatanggalan ako ng bagang ng nanay nito

"Shh!! Okay okay I'll eat it okay don't cry! please!! " pagmamakaawa ko dahil sa kaba, saka na hablot ko din yung chocolate sa kamay niya dahil sa taranta at nilantakan ito napaubo din ako dahil may pagkapait din pala to, my favorite dark chocolate hihi!!

"Han hyuo pwes shtop chrying!! " puno pa yung bunganga ko pero pinilit kong magsalita dahil kinakabahan ako sa pagiyak nito hindi panaman ako sanay na may umiiyak sa harapan ko I always remember my self dun sa manhole kaya natatakot ako pag mag umiiyak sa harapan ko, nagbago naman na yung ekpresyon nung bata at nagtata-talon sa saya

"YIE HEY!!! I love you kuya la-" hindi na napatapos nung bata yung sasabihin niya at nabigla din ako sa kamaong mabilis na dumampi sa mukha ko dahilan para masalampak ako sa sahig at naiubo yung ilang chocolate sa bunganga mo

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon