SPCL CHAPTER

2K 145 1
                                    

Lola Ging P. O. V

Pasensya sa lahat apo.....

Pasensya sa lahat apo.....




Pasensya sa lahat apo......


Masakit man para samin pero naging pabigat na kami sa taong hindi naman dapat kami ang pasanin, ilang taon na siyang pasan kaming dalawa pero ni minsan hindi kami nakarinig ng reklamo, masama mang isipin pero napagtanto kong ipinagdamot ko sya sa dapat nyang pamilya, paulit ulit akong humihingi ng tawad sakanya pero kulang pa yun sa mga sakripisyong nagawa nya samin, masakit man pero mas masakit kong patuloy ko pa rin syang nakikitang nakangiti sa harap namin habang kitang kita ko na iba ang sinasabi ng katawan niya sa tuwing uuwi siyang may pasa at bugbug sarado na ididnadahilan pa nyang nadapa lang ito, ayoko ng makita ang apo ko na ganun ang sitwastyon sa tuwing umuuwi siyang nakangiti pero pasan sa likod ang pagod at sakit.....


Flashback

"Oh apo napano kat basangbasa kat ang panghi mo?! " umuwi siyang basangbasa ang uniporme at mapanghi pa ang amoy pero ang ipinagtataka ko ay ng ngumiti siya, iba.... Ibang iba ang ngiti nya ngayon kumpara nung nakalipas na araw

"Anak anong nangyari sayo hah?! " nilapitan ko na ito at hinaplos ang buhok hindi parin mawala yung kakaiba at pilit nyang ngiti

"Lah! Mabuhusan po ako ng ihi sa may sentro nakakinis nga po dahil ang tanga tanga ko po!" saka tumawa siya ng pilit anong nagyari sayo apo?!

"Sige na at magbihis ka!! "

-

Nabahala ako sa araw nayun at pinuntahan ang guro nila, wala naman daw masamang nangyayari sakanya sa loob ng paaralan na ikinabahala ko kaya nung araw na yun sinundan ko siya habang papauwi magisa siya, mas lalong dumurog sa loob ko at naiiyak na ko sa isang sulok pero pilit ko parin siyang tinanaw habang naglalakad siya papalayo
May humarang na mga kalalakihan na ikinatuwa ko dahil akala ko ay kakaibigan niya to pero mas lalong nadurog ang puso ko ng pinagsusuntok at pinagsisipa nila ito, nanlabo ang paningin ko dahil sa luha ng mata ko gusto kong lapitan sila at suwayin pero kitang kita sa galaw ni Lance na okay lang sakanya na ikinaupo ko sa kinaroroonan ko, ayokong makita ayokong makita na ganun ang sitwasyon nya.... Pinahid ko ang luha ko pero wala paring epekto dahil sa sakit ng nararamdaman ko tinanaw ko siya pero naglalakad na ito na tila ba walang nangyari

Pasensya na apo!!! yan lang buong salitang pumasok sa utak ko habang sinusundan siya pauwi ng hindi nya nahahalata kitang kita ang bigat at sakit nito habang naglalakad.

Hanggang sa mga nagdaang taon pa at laging ganun ang tumatambad sakin paguwi nagiging pabigat na kami sakanya!!!

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon