Kabanata 35

37 2 1
                                    

Kabanata 35

DALA-DALA ang camera'ng bigay saakin dati ni Vynx ay naglilibot ako dito sa isla. Kahit hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta dito ay hindi ko parin maiwasang mamangha. This island is just breathtaking.

"Biglang umiba athmosphere, dito kami nag-break." Lahat kami ay napatingin kay Clea nang magsalita ito. Napaawang ang labi ko, I've heard that this was their favorite place, kapag vacation nila ay dito daw sila. That must have been painful.

"But that's fine! I've moved on," kibit balikat nitong sabi nang mawalan kaming lahat ng imik.

Bigla ko ding naalala, nagpunta din kami dito ni Vynx, that's a short visit but will always be a very memorable day of my life, we even planned na dito magcelebrate ng anniversary namin. But that didn't happen because... I left him.

Humugot ako ng hangin sa dibdib ko saka nginitian ang mga ito. "Let's forget those heartaches and let's just enjoy this vacation, magiging busy na naman tayo the next weeks," nginitian ko sila.

Pagkatapos 'non ay umingay na naman si Mhel, sino pa nga ba?

"Ang ganda! Buti nalang at solo natin dito ngayon," tapos ay tumingin ito saakin noong makitang nakalayo-layo na sina Clea at Joy.

Lumapit ito saakin at binulungan, "Daan tayo mamaya sa under renovation saglit, baka may poging engineer," tapos ay humagikhik ito. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya saka pinalo, napakalandi talaga nang isang ito.

"Gago ka talaga! bad influence, bad influence," tapos ay tinakpan ko ang tainga kong naglakad kasi baka mademonyo ako nitong katabi ko.

"Saglit lang kasi! Pag matandang panot 'yung engineer, alis agad tayo," tapos ay tawa ito ng tawa.

"Tumahimik ka nga sa kademonyohan mo, Mhelanie Collado!"

Napanguso naman ito at hindi na nagsalita pa pero knowing her, alam kong kukulotin ulit ako niyan maya-maya.

Gaya ng napag-usapan, sa iisang kuwarto lang kaming lahat tumuloy, malaki naman ito kasi kuwarto ito ni Joy kapag nandito siya.

"Wow! Ganda naman dito, yayamanin!" Siyempre si Mhel na naman ang pinaka-excited.

Palinga-linga naman ako, tama siya, masyado ngang yayamanin 'tong kuwartong 'to. Ito ang pangalawang beses kong pumunta dito dahil 'nung nauna ay hindi naman kami nagpalipas ng gabi.

"So what should we do first?" Clea asked.

Biglang tumabi saakin si Mhel saka ako siniko, alam ko na sasabihin nito.

"Oo na, oo na," sabi ko kay Mhel na hindi ko alam ay napalakas pala, napatingin saamin si Clea at Joy.

"What?"

"A-Ah! Sabi kasi ni Mhel, pahinga nalang muna tayo ngayon kaya umoo ako," palusot ko. Ayokong mapagalitan kay Joy, ano!

Nagkibit-balikat nalang ang dalawa kahit mukhang hindi naniwala, siniko ko ang sikmura ni Mhel 'nung umiwas na sila ng tingin, tumawa lang ito.

Nag-ayos kami ng mga gamit namin sa buong oras na iyon, we're going to spend our Christmas and New Year together here.

"Ligaya! Penge ako bagong tuwalya ha? Iuuwi ko talaga 'to," dinig kong sabi ni Mhel mula sa banyo habang naliligo, napa-iling nalang ako, that's just so her.

We're currently preparing kasi kakain kami ngayon sa labas, ni hindi nga namin napansin na dinner time na pala dahil puro kami kuwentuhan kanina.

Habang hinihintay namin matapos mag-ayos 'tong maarteng kasama namin, na pagkatagal-tagal kung mag-ayos, tinabihan ako ni Joy.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon