Kabanata 9

30 4 0
                                        

Kabanata 9

"Aditi..." napabaling ako kay Vynx. "Are you okay? I'm really sorry abou--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"No, no it's okay. I'm just a little shock. I didn't expect that to happen eh, so don't say sorry, hmm?"

Bumuntong hininga si Vynx, "They're just like that, I'm really sorry for their attitude." Ngumiti nalang ako. "Oh, by the way, I might be bothering you by now," ngumiti ito. "Let's just talk again some other time, okay? Study first."

"Of course, study first," I smiled and waves my hands a little, "Bye," then I ended the call.

That was so epic. Hindi ko alam na sa ganoong paraan ko makikilala ang mga kaklase niya. I just shrugged then turn my phone off then put it down. Only to realize that my friends, is already in front of me and staring at me maliciously.

"Don't give me that look," I laughed.

Nagbulungan pa sila pero rinig na rinig ko naman, "May nanalo na sa reyna ng kalandian, hindi na si Mhel," bulong ni Clea. I laughed at that.

Agad namang umalma si Mhel, "Hey, hindi ako malandi, okay? Madami lang talagang lumalandi saakin kasi maganda ako. Magkaiba yon," talagang humirit pa ang gaga.

Hindi nila pinansin si Mhel at bumaling silang dalawa saakin.

"Sa susunod na tumawag 'yan, pakilala mo kami, huh?"

"Ayoko nga, baka maweirdohan 'yon sainyo," biro ko.

"Huh weird ba tayo? Hindi naman diba," minsan talaga nagtataka na ako kung bakit top 1 namin si Mhel.

Binatukan naman siya ni Clea, "Bobita," sabi pa nito. Napasimangot naman si Mhel.

"Magsialisan na nga kayo, magrereview pa ako," pantataboy ko sakanila.

"Basta huh, pag yan tumawag pakilala mo kami," inirapan ko lang sila at nagsimula na ulit magreview.

Hours passed. Lunch time na namin, kakatapos lang ng isang test namin and I think I did well naman.

Inaayos ko na ang gamit ko para makapunta na sa tambayan ko ngayong lunch time.

"Tanya, kain tayo sa labas ngayon, 2 hours naman lunch time natin eh," si Clea, katabi na niya sina Mhel at Joy na nakaready na.

Umiling ako, "pass ako ngayon, walang pera," saka ako humalakhak.

Tinaasan naman nila ako ng kilay, "Gago anong walang pera? Yaman-yaman mo! Nilibre mo pa ako kahapon ah!" Si Joy.

"Kahapon 'yon,"

"Weh? Ayaw mo lang kumain eh! Tapos 'di mo ipapakita saamin na 'di ka kumakain ng lunch kasi isusumbong ka namin sa Mama mo!" Nadali mo!

"Hindi ah, kumakain kaya ako, laki laki ng tiyan ko oh," pakita ko pa ng tiyan ko.

Tinampal naman ni Joy yung tiyan ko. "Naku pag ikaw! Talaga, huh? Susumbong ka namin kay tita!"

"Oo na, oo na, sige na sasama na ako pero saglit lang tayo ah. Magrereview pa tayo," wala na akong choice kasi kukulitin lang nila ako.

"Ano ka ba, siyempre. Mga good girl ata kasama mo," gago talaga 'tong si Mhel. Inirapan ko siya at nauna ng maglakad, alam ko namang nakasunod lang sila saakin.

"Ah! Hirap nung last part nung exam, nasagutan niyo 'yon?" Si Mhel.

Di ako nagsalita at nakikinig nalang ng usapan nila.

Naglakad kami hanggang sakayan ng tricycle papuntang bayan. Ganito dito sa probinsya.

Saktong apat kami kaya naman hindi na namin kailangan mag-antay pa ng pasahero.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon