Kabanata 12

19 3 0
                                    

Kabanata 12

Gaya ng sabi ni Vynx ay lumabas ulit kami kinabukasan non at tuluyan ng nasundan ang paglabas naming dalawa. Halos araw araw ay lumalabas kami, mamasyal, shopping, food trip at madami pang iba.

Pero ngayon araw na ito ay iba. Kasama namin sina ate Maine at kuya Nathan, pati na rin sina Edsel at Ate Iza. Pati na rin ang kapatid ni Vynx na si Kuya Kaleb.

Manonood kami ng basketball ngayon dito sa katabing naming barangay dito dahil fiesta nila. Sakto din kasi na napadalaw sina Ate at Kuya saamin at isinama naman ni Vynx ang Kuya niya dahil sa makalawa na ang uwi nila kaya napagpasyahan nalang naming manuod doon.

Walking distance lang ang court kaya maglalakad lang kami.

Magkakasabay silang naglalakad. Habang kami ni Vynx ay narito sa likod nila at wala silang kamalay malay na magkahawak kami ng kamay habang naglalakad.

Nagbubulungan kami para 'di nila kami marinig.

"Where should we go tomorrow as our last day?" Tanong niya. Nakakalungkot mang isipin pero kailangan na din nilang umuwi.

Tinignan ko siya, "Simba nalang tayo," suhesyon ko.

"That's actually a good idea,"

"Okay sige, magsisimba tayo bukas,"

Pagkadating namin sa court madami nang tao. Napansin ko din ang mga matang patingin tingin sa direksyon namin eh sino ba ang hindi mapapatingin eh itong Sandejas brothers, napaka-amp jaw dropping gorgeous, not over-reacting.

Naghanap kami ng mauupuan. Syempre tabi kami ni Vynx. Bale ganito yung seating arrangements namin, si Ate Iza katabi ni Edsel tapos si Ate Maine at Kuya Nathan, Kuya Kaleb na katabi ni Vynx tapos ako.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang laro. Tutok na tutok si Vynx, talagang mahilig nga siya sa basketball.

"Are you a player?" I suddenly asked him.

"Huh?" Hindi niya gets.

"I mean basketball player?"

"Ahh, oo. Varsity,"

"Oh wow," 'yun nalang ang nasabi ko.

"Yeah, since dalawa kaming lalaki. Lagi naming kasama si dad kaya ayun nahilig na din sa basketball," tumango tango naman ako.

"Let's eat?" Aya niya nang matapos yung game one. May susunod pang laban kaso maya-maya pa yun. I nodded in response.

Pumunta kami doon sa ihawan. Barbeque at isaw ang binili niya para saaming dalawa. Binilhan niya din yung mga kasama namin.

Magana naman akong kumain, "You seem to like street food alot," pansin niya.

"Uh-huh. Dabest!" I showed my thumbs up to him.

Tumawa naman siya, "What's your favorite, then?"

"Kwek kwek. Naku bigla tuloy ako nagcrave," hinawakan ko pa ying tiyan ko.

"You really eat alot, huh," tumango tango ako.

"Food is life."

Natawa siya at pinisil ang ilong ko, "pero bakit hindi ka tumataba," I laughed and shrugged. "Ganun daw kapag maganda eh," sabi ko na siyang ikinahalakhak niya.

Bumalik na kami sa upuan namin habang kumakain pa rin.

"Hoy, kayong dalawa, kayo na ba?" Bungad saamin ni Ate Maine.

"H-Huh? Hindi ah." agarang sagot ko.

"Aba! Wala pa kayong relasyon niyan, huh, daig niyo pa magjowa," Natawa naman mga kasama namin. Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot pa.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon