Kabanata 19

19 2 0
                                    

Kabanata 19

Alas tres ng madaling araw, dilat na dilat na ako at busyng-busy. Ngayon ang punta naming Baguio, mamayang alas singko ng umaga ang biyahe namin kasi medyo malayo-layo tsaka para maenjoy namin ang buong araw kasi uuwi din kami sa gabi.

At heto ako, naghahalungkat ng dadalhin kasi hindi ako nakapaghanda kagabi! Tulog agad ako pagkatapos kumain kaya ako ang naiistress ngayon habang si Ate, chill lang na kumakain ng breakfast doon habang nakatawa sa cellphone niya.

"Bilisan mo nga, Tanya!" At dinagdag na nga niya ako.

"Tapos na!" padabog akong umupo sa harap niya. Kumakain siya ng kanin. Ako naman cereal lang ang kinuha ko.

"Oh yan lang kakainin mo?"

"Isusuka ko lang din naman," inirapan ko siya.

Tinawanan niya ako, "Sabagay,"

Saktong alas singko ng sunduin nila kami. Dalawang van ang gagamitin naman kasi kapag isa lang, sobrang sikip, mag-aamuyan lang kami ng hininga.

Pagpasok ko doon ay kumpleto na silang lahat, mukhang alam nila na matagal kaming mag-ayos kaya hinuli nila kaming sunduin.

Dito sa unang van, kami nina Ate Maine, Kuya Nathan, Edsel, Magkapatid na Sandejas tapos kami ni Ate.

Si Kuya Kaleb, tulog doon sa gilid tapos katabi niya ang malanding vhakla na mukhang tuwang tuwa na may makakatabi siyang guwapo, agad na tumabi si Ate kay Edsel. Sa kabilang van, yung mga ibang pinsan namin na may anak, kaya madami kaming kasamang bata ngayon.

Nakita ko naman si Vynx doon sa pinakalikod, mag-isa. Nang magtama ang paningin namin; nginitian niya ako tapos tinapik yung upuan sa tabi niya.

My heart beat fastened at the sight of him. Ugh, how I miss this guy.

Lumakad ako papunta sa tabi niya tapos umupo, pinaandar na ni Kuya Nathan yung van.

Nag-uusap lang si Ate Maine at Kuya Nathan. Si Ate at Edsel, nagpapakitaan ng cellphone ewan ko kung ano yun. Si Kuya Kaleb ayon, tulog parin naman.

At habang busy ang lahat, ipinulupot ni Vynx ang braso niya sa bewang ko tapos niyakap ako ng mahigpit, agad ko siyang niyakap pabalik.

"I missed you," bulong niya.

Napangiti ako, "Namiss din kita,"

"Ay malalande!"

Agad naming pinakawalan ang isa't isa saka gulat na napatingin sa nagsalita. Si Edsel ulit na kanina pa pala kami pinipicturan.

"Gago ka ba?" Sabi ko sakanya nung tinigil niya ang pagpipicture, nakita ko naman na humahagikhik si Ate Maine tapos si Kuya Nathan pangiti-ngiti lang.

"Sabi ko nga, hindi na eh titigil na, oh siya, tuloy niyo na 'yon," sinamaan ko lang siya ng tingin tapos nag-apir-an naman sila ni Ate Iza habang tumatawa.

Nang balingan ko si Vynx ay nahuli ko siyang nangingiti habang nakatingin saakin at mukhang enjoy na enjoy na nakikipag-away ako.

Tinampal ko yung mukha niya, "Nginingiti-ngiti mo diyan, gago."

"You're cute," tumatawang saad niya, sinimangutan ko siya.

Pinisil niya ang ilong ko tapos tumigil sa pagtawa. "You want to sleep?" Tanong niya saka tinapik 'yong balikat niya.

"Nah, I want to talk. Matagal ulit bago tayo makakapag-usap ng matagal eh,"

"Oh come on, may buong araw pa tayo. You sleep, baka mawalan ka ng energy mamaya, sige ka."

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon