Kabanata 7

32 6 0
                                        

Kabanata 7

"So go, kuwento na," Napairap ako, nagmukha na silang conyong imbestigador.

"Ano ba itsura?"

"Anong pangalan?"

"Taga saan?"

Gusto kong takpan ang tainga ko habang tuloy-tuloy sila sa pagtanong tungkol kay Vynx. Break time namin ngayon kaya ako ang nasa hot seat ngayon. Buti nalang kanina at dumating yung sunod naming prof kaya akala ko nakatakas na ako sa mga tanong nila, hindi pala.

Sumubo ako ng kwek kwek sabay tanong, "bakit na gustong-gusto niyong malaman?"

"Duh. We're worried," si Joy.

"Bakit naman? Nakikita niyo na ba future ko at alam niyong sasaktan na niya ako?"

"See?! The way you say that alam na agad namin na may something sainyo, ano kasi? Plus! We're curious, sasabihin mong you met a hunk tapos 'di ka magkukuwento, tangina nito." Parang matatanggal na din ang eyeballs nito kakairap.

"Nagchachat kami," panimula ko.

"Ighoghost ka niyan," sabay-sabay na sabi nila saka nila ako inirapan.

"Mga gaga! H'wag niyo igaya lovelife ko sa lovelife niyo!" Wow, lovelife.

Sumubo ulit ako ng kwek kwek, nag-iisip kung paano ako makakalusot sa mga tanong nila

"So, magkuwento ka na kasi," pangungulit ni Clea.

"Okay, okay," tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para ipakitang suko na ako.

"His name is Vynx, so handsome, very charming. He's kinda cold at first but if you get to know him more, you might fall," I dreamingly said while imagining Vynx.

"Naloko na," rinig kong sabi ng isa.

Inirapan ko naman sila, "Maganda things,"

"Anong nangyari sa kasal?"

Agad namang nag-init ang pisngi ko ng maalala yung mga kahihiyang ginawa ko sa kasal. Kinuwento ko sakanila yon at heto sila ngayon tawang-tawa kasi ang tanga ko daw.

"Ang tanga naman grabe!"

Sumubo nalang ako ng kwek kwek at 'di sila pinansin.

"So? Pagkatapos nun? Pa'no kayo naging close?" Tanong ni Joy.

"Siyempre kinapalan ko na mukha ko, ako yung lumapit at nakipagchika," ani ko.

"Hina naman niya. Pinanindigan talaga yung lady's choice este ladies first," si Mhel.

"Tingin nga picture," aba't naghanap na nga ng picture ang mga gaga! Umirap ako sa hangin saka binuksan phone ko tapos pinuntahan profile niya sa ig. Anim lang ang post niya doon pero isa lang ang picture niya pinindot ko yon at pinakita sakanila.

"Okay, understandable." Si Joy.

"Kaya pala naloka agad kaibigan natin! Yummy eh!" Si Clea.

"Tingnan mo oh kahit picture palang parang ang tigas tigas na," Sabi ni Mhel, napatingin kaming tatlo na nanlalaki ang mga mata.

"Ng ano?!" kaming tatlo.

"Ng mga braso! Bastos!" Sigaw niya pabalik.

"Mukhang babaero," sabi ni Clea.

"Hindi ah! Hindi nga siya mukhang approchable eh!" sabi naman ni Mhel. Lakas talaga ng boses ng isang 'to tapos napakatinis pa!

"Sa gwapo niyang 'yan? Wow, galing mo mamili ah, first time mo lumandi, jackpot agad," nagtawanan naman silang tatlo.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon