Kabanata 34

34 1 1
                                    

Kabanata 34

I feel so stupid not to realize everything earlier.

Aya is not her name! My God! Bulol siya sa R. She's Arabella! Ate Belle and Kuya Kaleb's daughter!

Pamangkin siya ni Vynx!

Napahawak ako sa ulo ko. I'm so stupid.

"Tanya!" Agad akong sinalubong ni Ate Belle ng yakap nang makita ako, niyakap ko siyang pabalik.

Humiwalay ito saakin, "You still look beautiful! Plus more matured-looking!" She exclaimed, suddenly excited.

Tumawa ako, "I know right?" Mayabang na sabi ko saka siya nginisihan. Humagikhik naman ito at pinisil ang pisngi ko.

"Hey!" Hiniwalay ko yung kamay niya sa pisngi ko, "That hurts!"

"You're cute," nginitian ako nito ng pagkalaki-laki. Inirapan ko siya.

"Uhm, excush me?"

Kaagad kaming napatingin sa pinanggalingan ng maliit na boses na iyon.

There's Arabella, looking so confused now.

Mahina ako natawa saka pinisil ang pisngi nito, "Yes, baby?"

"Do you know each othey?"

Lalo akong napangiti sa kacutan nito. Naalala ko nung lagi ako nitong tinatama tuwing tinatawag ko siyang Aya, ayun pala, Ara.

"Yes, baby. She's my friend slash baby sister and your tito's ex-" hindi na nito natuloy ang sasabihin nung takpan ko ang bibig nito.

"Ano ba naman 'yan, Ate!" Nagmamaktol na sabi ko.

Tumawa ito, "Okay, fine. Let's go, sumama ka saamin, iuuwi ko lang si Ara sa bahay tapos daan tayong coffee shop, I know you're a busy person pero today is my day!" Maligalig na sabi nito saka hindi na ako inantay na magsalita at hinila na ako.

"I've been very busy these past few weeks kaya hindi kita natawagan o nabisita," kuwento ni Ate Belle. Nandito kami ngayon sa parehas na coffee shop nagkitaan namin ni Vynx kaninang umaga, turns out, kay Ate Belle pala 'tong shop na 'to sayang lang at nagkasalisi kami kaninang umaga.

"That's fine," nginitian ko siya, "Estudyante ko pa talaga si Ara, what a coincidence, right?" Tumawa ako nang maalala kung paano ako nanlumo nung akala ko si Vynx ang tatay nito.

Tawa naman ng tawa si Ate Belle nung kinuwento ko sakanya 'yon.

"'Wag mo nga akong pagtawanan! Malay ko bang anak niyo pala 'yon ni Kiya Kaleb," inirapan ko siya.

Tumawa ulit ito, "I just can't help it, sorry. My god, hindi mo ba binabasa yung tungkol sa mga informations about sa students mo?"

Inirapan ko siya, "Eh sa siya yung sumundo eh tapos Sandejas pa tapos magkamukha pa sila!" I ranted.

"Malamang kapatid niya si Kaleb," irap din nito saakin.

"Tsaka bakit ba apektadong apektado ka eh akala ko ba nakamove on ka na?" Nang-aasar na tanong nito.

Nawala ang ngiti ko saka sinamaan siya sa tingin, iniba ang usapan para hindi na niya ako maasar pa.

Sa haba ng pinag-usapan namin ay hindi na namin napansing madilim na pala, napansin lamang namin iyong noong tumawag na si Kuya Kaleb, tinatanong ang lokasyon ni Ate Belle.

Binigay naman nito iyon at nagpasundo nalang dahil ayaw na daw nito akong abalahing ihatid pa siya sa bahay nila kasi nahihiya na daw ito kasi mukhang kinain na niya ang oras ko. Tinawanan ko lang siya sa nga sinasabi nito, ngayon pa ba ito mahihiya?

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon