Kabanata 33

26 2 0
                                    

Kabanata 33

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may daliring pumitik sa harap ko.

"Hoy! Nakikinig ka ba sa kuwento ko?" Napabaling ako kay Mhel at natawa sa itsura niya. Mukhang nainis kasi hindi naman talaga ako nakikinig sa kuwento niya.

Nasa utak ko parin kasi yung nangyari sa unang araw ko sa trabaho kahit isang linggo na ang nakalipas. Sa isang linggong iyon, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit si Vynx ang sumusundo sa bata, kadalasan ay ang yaya na nito.

Ayaw ba niya akong makita?

Napailing ako sa sariling katanungan sa aking kaisipan. Bakit naman ba niya gugustuhin akong makita? May sarili na siyang pamilya.

"Kita mo na! Hindi ka talaga nakikinig! Nakatulog ka ng nakabukas ang mata, ganon?" Tanong ni Mhel saakin.

Tinawanan ko siya saka sumimsim sa tsaa ko. Ang masyadong maraming iniisip ay maaring makasama saakin, kinakailangan kong magrelax.

"I'm listening, alright? Nasaan na ba kasi ang dalawang iyon at grabeng late naman ito?" Napatingib ako sa wrist watch ko, 30 minutes na at wala parin sina Clea at Joy.

Pero pagkasabi ko 'non ay namataan ko na si Clea sa may pinto at mukhang hindi pa nagmamadali kasi nagawa pang kumembot habang naglalakad.

"Late ka!" Tinampal ni Mhel ang puwetan nito kaya umani ito ng irap kay Clea.

"Sorry, may bumulabog lang na asungot saakin sa daan," tapos ay nilapitan ako nito saka mahigpit na niyakap. "I missed you! Gosh, 7 years? How could you?!" Maarteng pahayag nito kaya natawa ako.

Napansin ko ang pagbabago kay Clea. Hindi na siya yung mahiyahin o mahinhin na nakikilala ko, she is now one of the highly paid designers here in our country! The new her is fierce but I know deep inside siya parin ang Cleandra'ng best friend namin.

"Nabusy sa work," nagkibit ako ng balikat.

"Work nga ba ang dahilan?" Agad kong binatukan si Mhel dahil sa sinabi niya, bunganga nga naman ng babaeng 'to!

"Aray! Wala pa nga akong sinasabi eh," nakasimangot na ngayon ito. Kung ano naman ang laki ng pinabago ni Clea ay siya namang mas kinagago ni Mhel. Napailing iling nalang ako.

Bigla akong napatingin nang umupo ang babaeng laging late sa tabi ko, sino pa nga ba?

"Joy," pahayag ko saka binigyan siya ng tubig kasi hinihingal talaga ito.

Uminom ito doon, "Whoo! Sorry, kagagaling ko lang probinsya para icheck yung isla kagabi tapos napahaba tulog ko tapos ayon! Sumabay pa ang traffic," Mahabang paliwanag nito.

"Okay lang," nginitian ko siya.

"Speaking of island, punta tayong isla niyo for Christmas!"suhesyon ni Clea.

"Huh? Pero magsasara ang isla sa pasko kasi iuunder renovation namin yung isang parte doon," sabi naman ni Joy.

At siyempre magsasalita na naman ang batang pasaway, "Eh isang parte lang naman eh! Hindi naman tayo pupunta sa parteng 'yon tapos diba sainyo naman yung islang 'yon? Kaya ayos lang yan!" Napailing ako kay Mhel.

"Hmm, I'll talk to my dad about that then,"

"Oo! Tapos diba mas maganda din kasi nakasara yung isla kaya ibig sabihin, tayo lang!" Nakaka-demonyo talaga magsalita nitong si Mhel.

"Oo na, oo na, take your seat, nakakahiya," luminga linga pa sa paligid si Joy kasi talagang tumayo si Mhel habang nagsasalita.

Si Joy, hindi parin siya nagbabago, siya talaga yung matatawag namin 'good girl' saaming apat.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon