Kabanata 3
Alas sinco palang ata ng umaga ginising na kami ni Mama para makakain, ligo at makapaghanda na papuntang bahay nina Kuya Nathan at doon daw kami mi-make-up-an. Excited lang naman si Mama, eh alas nuebe ang kasal tapos ang aga-aga niya kaming ginising.
Kaya heto ako ngayon at half tulog parin habang sumusubo ng cereal na parang wala sa sarili. Alas dos na kasi ako naka tulog kakaisip kay malaking tao este Vynx. Kaya bale tatlong oras lang tulog ko.
"Hoy Tanya! Bilis-bilisan mo diyan! At nang makaligo ka na. Tapos na sina Iza at Edsel," pandadagdag ni Mama sakin. Napakamot nalang ako sa magulo kong buhok at binilisan nalang ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kuwarto ko at agad pumasok sa sarili kong banyo dito sa kuwarto ko at naligo pagkatapos ay nagbihis na din ako at bumaba na. I didn't bother putting any churvanes in my face kasi me-make upan lang din naman kami so I looked pale as a ghost.
Pagkababa ko mukhang, wala pa sila don. Tignan niyo 'tong mga 'to sila 'yung apurado tapos mas mabilis pa ako kaysa sakanila.
Binuksan ko yung tv pero pinatay ko din agad kasi 'di ko gusto mga palabas, maaga palang kasi. Kaya nahiga nalang ako sa sofa at nagcellphone. Ewan ko nalang kung anong itsura ko ngayong dito kasi nakahiga ako tapos nakataas yung paa ko at nakapatong sa isa.
Maya-maya pa ay bumaba na din sila at ayos na ayos. "Oh, ambilis mo ngayon, ah. Inunahan pa kami, 'di ka naligo 'no," pang-aasar nito saakin.
Pinaikot ko mata ko, "matagal lang talaga kayo,"
"Heh! Tara na nga. Batukan kita diyang bata ka eh," napasimangot naman ako sa sabi ni Mama.
Pero agad din naman kaming lumabas na at sumakay ng sasakyan. 30 minutes na biyahe ulit pero hindi gaanong kaboring kasi nandito si Edsel at punong puno ng kuwento, andaming chinichismis. Tuwang tuwa naman si Mama sakanya.
Maya-maya pa ay nakadating na kami doon at talagang busy'ng-busy nga ang lahat ng tao dito, lahat sila may pinagkakaabalahan. Nakita ko na din 'yung iba pa naming mga pinsan, yung iba kasi dito na natulog, pero meron din namang mga umuwi tulad namin.
Tapos 'di rin nagtagal nagtawag na sila ng mga abay para masimulan nang ayusan.
Habang inaayusan ako, nakikipagchikahan din ako sa baklang nagmemake up sakin.
Kinikuwento niya sakin na ang popogi daw ng mga abay na lalaki at ang suswerte daw naming mga babae.
Sinakyan ko nalang yung trip niyang paglalandi tutal may pagkamalandi din naman ako slight.
Nang matapos ako sumunod na ako kay Ate Iza at Ate Winter; isa din sa mga entourage na kaclose ko. Nauna kasi silang natapos make up-an kaya malamang nakabihis na yung mga yun.
Pagpasok ko sa kuwarto kung saan sila nagbibihis, tama nga ako kasi nakaayos na sila agad ko namang kinuha yung damit ko at nagbihis na din.
Pagkatapos kong magbihis dahil wala naman akong magawa, nagselfie nalang ako at pinost sa ig story ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako at tila mas nadoble ang pagkabusy ng mga tao sa paligid kasi 7:50 na at alas nuebe ang kasal.
Habang nagcecellphone naman ako dito sa labas tagaktak na ang pawis ko kasi nasa labas na ako ngayon. Gusto ko mapaiyak kasi ayoko naman magmukhang tanga na partner nung napakaguwapong malaking tao na nagngangalang Vynx.
Eh wala naman akong panyo o kahit tissue manlang na makita. Kaya pinaypayan ko nalang sarili ko at umayos naman ng konti yung itsura ko nang maramdaman kong may tumabi sakin nang tignan ko nagulat ako kasi si Vynx iyon at mukhang kagigising lang, tulog mantika pala 'to. Tulala pa siya at mukhang badtrip dahil naistorbo pagtulog niya, siguro ginising na siya kasi isang oras nalang at hindi pa siya nakapag-ayos-ayos o nakaligo manlang.
BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...