Kabanata 21

17 1 2
                                    

Kabanata 21

edsl__: shotaena may pa flex na sa social media???!

clearagon: happy for the both of you <3

ligaya: ay shet may pa treasure.

izabelamadrid: may label na!! wutwutwut

mhelxnie: sanaul
mhelxnie: sanaul
mhelxnie: sanaul
mhelxnie: sanaul
mhelxnie: ss=screenshot

Napailing-iling nalang ako, remembering their reaction and comments dun sa pinost kong picture namin. Iyan agad ang bumungad saakin pagkabukas ko ng instagram nung araw na iyon.

Walang alam ang mga kasama namin na kami na, pero I think hindi naman na sila magugulat kasi kapag umakto kami ay para ngang kami na. Pero sa ngayon, I think may ideya na rin naman siguro sila sa relasyon namin. Ang sinabihan lang kasi namin ay ang parents namin. They are both happy as long as we are happy naman daw.

Sa gabing iyon bumiyahe kami mga maghahating gabi na. Dahil na din siguro sa pagod ay agad akong nakatulog sa balikat ni Vynx at magising nung nasa bahay na kami.

Today is February 14. Kaya to celebrate our first valentines together, we've both decided na bumisita sa isa sa mga isla na pagmamay-ari nina Joy, ang Lazaro Island.

Si Joy ang naatasang magpangalan non because she is the one who will manange that island in the near future pero ewan ko ba doon at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiipapangalan kaya sa ngayon ay Lazaro Island palang ang ipinangalan na hango sa apelyido nila.

Ang islang iyon ang open for tourists. Maraming magandang gawin doon, magagandang tanawin, maraming cabana at puwede ka ding magpalipas ng gabi pero kami ni Vynx ay susulitin lang ang buong araw dahil hindi kami puwedeng magsama sa isang kuwarto na walang ibang kasama. At ang isa sa mga nakakamanghang parte sa isang iyon ay ang mga kakaibang rock formations na sa pinakalikod na bahagi lang ng isla makikita.

Abala ako sa paghahanda ng mga gagamitin ng magtext saakin si Vynx.

Vynx 🦍:

I'm already outside your house, hindi na ako papasok. Take your time.

Ewan ko ba kung sarkasmo iyon o ano ba pero para makasigurado ay kandaugaga na ako sa pagkuha ng mga gamit at bato sa bag. Tapos ay habang bumababa sa hagdan ay inaayos ang sapatos.

"Anak, baka mahulog ka," paalala ni Mama.

"Hindi 'yan, Ma,"

Humalik ako sa pisngi niya. "Huwag ka ngang tumakbo!" Kinurot niya yung bewang ko. Napangiwi ako sa sakit.

"H'wag kang masyadong magpapagod, okay?" Paalala niya.

Tumango tango nalang ako habang kumakaway sakanya.

Paglabas ko ng gate ay nakita ko agad si Vynx sa nag-aantay sa labas ng sasakyan niya habang nakasandal doon.

Nang makita niya ako ay nakita kong agad siyang napangiti tapos ay sinalubong ako. Inilagay niya ang isang braso sa bewang ko tapos ay hinalikan niya yung noo ko saka ako pinagbuksan ng pinto tapos ay patakbong pumunta sa driver's seat.

"Lead me the way, okay?" Sabi niya. Tumango naman ako.

"Are you hungry? We can stop by if you want," tanong niya nung matanaw niya ang isang drive thru.

"Sige, hindi din ako nakapag-breakfast eh tsaka mga 30 minutes away pa yung hotel kaya sige," agad naman siyang pumila.

Nung sunod na kami, tinangong niya ako kung anong gusto ko.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon