Kabanata 6

31 5 0
                                    

Kabanata 6

Hanggang ngayon hindi parin ako nakakaget-over at hindi parin siya narereplyan, nakakatunganga habang nakataas ang kamay, para kasing nawalan ng lakas ang kamay ko at nabitawan yung cellphone ko.

Nang parang gumana na ulit yung utak ko, dali-dali kong pinulot yung cellphone ko at nagtype.

Umaasang dito na magsisimula ang love story namin. Ambisyosa.

natania: I would love to get to know you more too

Pinanatili kong kalmado ang reply ko pero sa totoo lang gusto ko ng sumigaw at magwala pero wag nalang baka pagalitan ulit ako ni Mama eh.

vynxsand: nice, how are you then?

natania: just fine, lumabas kami kanina ni Edsel

vynxsand: Who's Edsel?

natania: you know, my gay cousin

vynxsand: Ahh

Umuungol ba siya?

natania: so gusto mo pa akong makilala. How about introducing ourselves properly and saying some of our faves?

vynxsand: that would be nice
vynxsand: my name is Vynx Sandejas, 18. I hate broccoli, I love mushroom. Am a basketball player. Love music but don't have any talent in music tho or maybe a little in singing

Nakangiti lang ako habang binabasa ang reply niya. Saka nagtipa ng irereply.

natania: wala din akong future sa music don't worry lol

Tapos ako naman ang nagsabi ng mga tungkol saakin.

natania: Natania Aditi La Madrid (bata pa ako wag mo kong landiin pls lang marupok ako charot lang kuya)

natania: allergic ako sa itlog, chicken at seafood pero hindi naman ganon kalala kaua kumakain parin ako non kapag nasobrahan nga lang grabe naman yung mga skin allergies ko.

vynxsand: paborito mo chicken? Me too

natania: kaya pala bagay tayo

Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagchachat, tuwang-tuwa kami sa isa't isa, bagay na bagay talaga kami, charot.

Andami kong nalaman tungkol sakanya. Nagbibiruan din kami na parang ang close close na namin.

'Di pa nga mauudlot yun kung 'di lang kumatok si manang.

"Kumain ka na, Tanya, anong oras na, tapos na kami, magagalit ang Mama mo,"

"Opo manang, sunod ako,"

Gusto ko sanang makipagchat sakanya habang kumakain kasi ayokong putulin yung usapan namin kaso papagalitan lang ako ni Mama kaya kahit labag sa loob ko pinutol ko ang pag-uusap namin.

natania: kain muna ako ha

vynxsand: hindi ka pa kumakain? Anong oras na ah

Sarap mo kausap eh.

I giggle and immediately bid my goodbye to him. After that I went down stairs para makakain na.

Ako na ang kumuha ng sarili kong plato at pagkain, ayoko ng abalahin ang mga kasambahay dito kung maliit na bagay lang naman na kayang kaya ko.

While I'm eating, I'm also giggling, remembering our conversation earlier, para ako tanga na nakatingin sa kawalan habang tumatawa at sumusubo ng pagkain.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon