Kabanata 37

34 1 0
                                    

Kabanata 37

"What the fuck are you doing in my room?"

Napakapit ako sa dibdib ko, sinamaan siya ng tingin pero mas masamang tingin ang iginawad nito saakin.

Agad akong tumalikod saka sinubukang buksan ang pinto pero locked na iyon, naririnig ko pa ang hagikhikan ng mga kaibigan ko sa labas.

Kinalampag ko ang pinto, "Hoy! Mga tangina, buksan niyo 'to!"

"Kailan ka pa natutong magmura ng ganyan kalutong?" Nakasimangot na tanong ni Vynx pero isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil gusto ko na lamang lumabas sa kuwartong ito, nakakahiya!

"Take this chance to talk!" Sagot pabalik ni Clea.

"And don't worry, we'll open this maybe at midnight, just talk, you two, okay?!" Si Joy naman iyon.

"Kami na ang gumawa ng paraan, wala kaming kaibiga'ng torpe at baka mabuang ka pa pag 'di kayo nakapag-usap ng maayos ni pogi!" Syempre, ang bruhidang Mhelanie na naman 'yon.

"Aba'y tarantado-" Hindi ko na natuloy ang mura ko nang tumikhim si Vynx ng malakas, sapat na dahilan na para mapatigil ako sa dapat kong sasabihin.

"What are you guys up to?" Siya na ngayon ang kumausap sa tatlo.

"Oh no, don't be mad, lover boy! Dumidiskarte lang kami para naman magawa niyo na ang future inaanak namin," humagikhik ito, "We're just going to party downstairs so that you guys can talk, ciao!" Pagkatapos no'n ay palayo na nang palayo ang boses nila.

Napabuntong hininga ako, magtutuos kami ng mga 'yon pag ako nakalabas.

Hinarap ko si Vynx, na hubad parin hanggang ngayon at mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"I'm sorry, they're just like that. I guess, we just have to wait 'til midnight then." Tumingin ako sa ibaba dahil sa kahihiyan sa kagaguhan ng mga kaibigan ko.

"Wait for me here, I'll just get dressed and we'll talk," tapos ay tumalikod na ito at dumiretso sa walk-in-closet ng cabin na ito. Tumango-tango ako.

Habang inaantay siya ay ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng cabin niya, it looks magneficent and clean.

May sarili din itong walk-in-closet, banyo at balcony. Kung desperada lang akong makalabas dito ay ginamit ko na ang balcony niya para makalabas pero I know myself.

Siyempre kunware lang yung kaninang parang ayaw ko siyang makasama sa iisang kuwarto para 'di halatang gustong-gusto ko naman.

Narinig ko ang paglabas niya sa walk-in-closet nito kaya naman ay napatingin ako sakanya. He's now wearing a plain white t-shirt and black joggerpants. He looks fresh.

Tumikhim ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. "First of all, I'm really sorry on how my friends acted. Sorry, I mean it."

Nakatayo parin ako sa tabi ng balcony habang siya naman ay naupo sa pang-isahang sofa na parang hari.

Sinalubong niya ang titig ko, namula ang pisngi ko, hindi ko alam kung bakit.

He's so silent! I don't know what's running on his mind because of that emotionless face!

"Say something please..." Hindi ko na napigilang sabihin ang mga katagang 'yan.

"You look beautiful on that dress," sa halip ay sabi nito dahilan para maguluhan ako.

Napakaout of nowhere naman ang mga sinasabi niya. "What?"

Tila nagising naman ito sa isang panaginip dahil sa sumbat ko, naupo ito ng maayos saka tumikhim. "They want us to talk, might as well use this time for that," sumandal ito, "So, Natania Aditi, what do you want to say to me?" Tinaasan niya ako ng kilay.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon