Kabanata 32

28 1 0
                                    

Kabanata 32

"What are your plans hija? Are you finally staying here for good?" Nakangiting tanong saakin ni Tita na may pagkakyuryoso sa mga mata.

"I'm staying for good, tita," nginitian ko siya. "I'm actually planning to apply sa isang private school in Manila,"

Yes, planado na lahat bago ako umuwi dito, nagreseach ako and such para narin ipagpatuloy ang nasimulan ko.

"Hmm, that's good. Mas maganda ngang sa Manila ka nalang magturo at sayang naman ang natutunan mo sa US kung dito ka lang diba? Mas malaki ang sahod mo doon,"

Kimi ko lang siyang nginitian, hindi ko masyadong nagustuhan ang sinabi niya pero hindi na lamang ako umimik. It's not about the salary, it's about my passion, I love teaching at kaya ko lang naman napagdesisiyonan na sa Manila nalang magturo ay para mas mapalapit ako kay Vynx.

Nagpatuloy lamang sila sa kuwentuhang matatanda kaya minabuti ko na lamang tahimik na umalis doon saka pumunta sa table ng mga pinsan kong nag-iinuman na.

Tumabi ako kay Ate, nagtatawanan sila dito. "Grabe, akala ko nakalimutan niyo na, na ngayon ang dating ko kasi hindi niyo ako sinundo sa airport. Umurong yung tampo ko dahil sa surprise," tumawa ako.

"Tanga ka talaga! Edi hindi na siya surprise kung sasabihin namin sa'yo," inirapan ako ni Ate.

"Ay tama! Tanga talaga! Tanga din sa pag-ibig! Apir, mare!" Ani Edsel. At nag-apir nga ang dalawang kumag, napailing-iling nalang ako sa kagagahan nila saka sumimsim sa juice na hawak ko. Magkumare na pala sila?

"Kailan ka pa-Maynila?" Tanong saakin ni Ate nung magkasabay kami paakyat sa hagdan.

Napalingon ako sakanya, "Next week na agad."

"Aga naman ata?" Nagtatakang tanong nito. "Kakauwi mo lang eh," sumimangot ito.

Napatawa ako, "Malapit na nga ang Christmas Break eh! Kailangan ko na ng trabaho, saka marami pa akong isasaayos na papeles tsaka matitirhan ganon," pagpapaliwanag ko.

"May condo ka na naman na 'don?" Napatigil ako sa paglalakad nang maalala ang condo na iyon. Napaka daming memorya ang nangyari doon, hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas para makatapak ulit doon.

"Pag-iisipan ko," nginitian ko siya. Mukhang nabasa naman niya ang ekspresyon ko kaya binago niya kaagad ang usapan.

"Sige na nga, bibisitahin kita doon! Gusto kong makakita ng mga bata, tagal na ding walang bata dito sa bahay," tila napaisip isip pa ito habang nagsasalita.

Nginitian ko siya ng nakakaloko, "Mag-anak ka na kasi," barumbado kong suhesiyon na siyang pinanlakihan ng mga mata nito.

Totoo naman kasi, sa edad na 28 ni Ate ay wala parin itong balak mag-asawa o magka-anak, hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari sakanila ni Josh simula nung umalis ako ng bansa.

Bago pa man ako nito masinghalan ay tumakbo na ako sa kuwarto ko habang tumatawa.

Busy sa pag-aayos ng mga gamit ko habang si Ate Iza naman ay busy'ng kumakain ng mani habang nakataas pa ang nga paa sa centre table.

Napairap nalang ako. 'Di manlang ako tinulungan.

Kararating lang namin kaninang umaga dito sa Manila, si Ate Iza ang naghatid saakin kasi hindi daw niya akong hahayaang magcommute o mag-isa dito sa condo at tutulungan din daw niya akong mag-ayos pero tignan niyo nga naman ngayon kung anong ginagawa.

"Ugh, I'm full! That coke has lots of acid! Sa susunod coke zero na bibilhin ko!" Nagmamaktol na sabi nito pero nagbukas parin naman ng chichirya.

Hindi ko alam kung ilang irap na ang nagawa ko sakanya at ipinagpatuloy nalang ang paglilinis.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon