Kabanata 26
Ang pagpasok sa college ay mahirap pero mas mahirap lalo na at may mga bagong mukha kang makikila. Nakakachallenge sa iba.
Maski ako nachallenge kaso paano ka ba hindi matatakot kung unang araw mo palang sa klase ay grabe na ang titig ng mga estudyante sa'yo lalo na ang mga kababaihan, siguro ay dahil kasama ko si Vynx papasok sa school? Napansin ko kasi agad na madami talagang napapatingin sakanya tuwing dadaan siya na may pagkamangha sa mga mata.
Isang buwan na akong nag-aaral dito at kahit papaano ay nasasanay na din ako sa mga mapangmatyag nilang mga tingin saakin, siguro dahil boyfriend ko si Vynx? Kaya pala mahangin 'tong isang 'to minsan.
Mayroon pa nang isang babae na lumapit saakin at tinanong kung boyfriend ko ba si Vynx, siyempre sinagot ko ng oo at nagulat nalang ako nang bigla siyang umiyak. Agad ko siyang pinatahan, magulat din ako pero nung tinanong ko kung bakit siya umiyak ay dahil gustong-gusto daw niya si Vynx.
Nandito ako ngayon sa isang cafe na nasa tapat lang ng school namin kaya puno ng estudyante dito, hinihintay ko si Vynx, ganito ako tuwing after class kasi sabay kaming uuwi at ngayon ay medyo nalate siya kasi may practice daw silang basketball, gusto niya sanang manood nalang ako sa gymnasium at doon mag-antay pero humindi ako at sinabing makaka-agaw lang sila ng pansin doon.
At ayon hindi nga rin nagtagal ay namataan ko na siya papasok sa cafe, mukhang bagong paligo. Nakasuot na ng puting t-shirt na siyang humapit ng katawan nito at jogging pants.
Ipinalibot nito ang mga mata na para bang may hinahanap at nung magtama ang mga mata namin ay sumilay ang ngiti sa labi nito saka naglakad palapit saakin.
Agad niya akong nilapitan saka hinalikan sa noo tapos ay umupo sa harap ko.
"What are your plans for tommorow?" Bungad nito.
"Ikaw ba? Study nalang tayo sa bahay niyo? Okay lang naman kina Tita diba?" Oo, close ko na Mama niya, gusto nga niya Mama ang itawag ko sakanya kaso nahihiya ako.
"Labas tayo bukas ah," napatigil ako sa pag-inom ng kape ko nung marinig ko iyong sinabi niya, "Saan naman?"
"Sky diving! Matagal ko nang plano. Actually ready na lahat at oo mo nalang ang kailangan-"
"Ayoko." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Napatigil siya sa pagsasalita.
"Huh? Why?"
"I-I'm afraid of h-heights," pagdadahilan ko, oo takot ako sa matataas pero hindi lang iyon ang dahilan, hindi kakayanin ng puso ko ang ganoong activities, lalo na these days na madalas sumasakit ang dibdib niya.
Nakita ko ang disappointment sa mga mata niya pero agad nito iyong tinakpan ng isang ngiti, "It's okay, let's just go out for a date then," nakangiti na ulit ito saakin.
Napabuntong hininga ako, alam kong nalungkot ito. Matagal nito iyong pinaghandaan dahil ang sabi nito sakanya ay handa na lahat pero sinayang ko lang ang effort nito.
"I'm sorry..." humina ang boses ko.
Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Hey, don't feel bad about it. It's totally okay. Diba sabi ko nga sayo 'oo mo nalang ang kailangan' ibig sabihin pwede kang humindi. Kung ayaw mo, icacancel ko lahat 'yon, isang sabi mo lang, okay..." napakalumanay ng boses nito.
Tumango nalang ako habang nakayuko parin, nahihiya ako sakanya, I'm such a KJ.
Nang mapansin nito na hindi parin ako okay ay lumipat ito ng upuan at yumakap saakin.
"It's okay, baby..."
Hinarap ko nalang siya at binigyan ng malungkot na ngiti, "Thank you... let's go now," tapos ay inayos ko na ang mga gakit ko para makauwi na kami kasi ramdam ko na ang tingin ng mga kababaihan saamin. Agad naman itong sumunod saakin.

BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...