Kabanata 5
Pagkapasok namin sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto ko at agad na nahiga sa kama, iniisip ang mga nangyari kanina saka ako napapangiti mag-isa.
Chinarge ko ang cellphone ko dahil dead battery na siya tsaka dali dali ko itong binuksan.
Sinearch ko pangalan niya sa facebook: Vynx Sandejas, saka nagfriend request kahit mukhang hindi naman siya masiyadong active sa facebook tapos sa instagram niya, vynxsand at finollow siya. Nakangiti lang ako habang ginagawa yon.
Ibinaba ko ang cellphone ko ng makitang pumasok ang aso ko, si Wing sa kuwarto ko, "Baby! Guess what? I think magkakadaddy ka na!" I exclamed and laughed dahil sa pagiging ambisyosa ko, pero wala namang masama kasi libre mangarap.
Nagkukulitan lang kaming dalawa ni Wing nang magvibrate ang phone ko, binitawan ko muna si Wing saka binuksan yon. May dalawang notification.
Vynx Sandejas accepted your friend request.
Vynx Sandejas (vynxsand) started following you.Nagtitili na ako doon na parang baliw at tumalon talon sa kama ko. Kumahol-kahol naman si Wing marahil nagtatanong kung bakit. Binuhat ko siya, saka bumaba at tumakbo palabas ng bahay. Nakasalubong ko pa si Mama.
"Bye Ma, magpapakasal na ako," sabi ko saka tumawa tawa na parang baliw tapos tumakbo ulit pabalik kuwarto ko at tumalon talon ulit, ngayon kasama na si Wing, nagce-celebrate kami kasi magkaka-daddy na siya! Charot! Medyo OA. Tinigil ko din ang pagtalon dahil sa biglaang pagkaramdam ko ng pagod at pagkirot saglit ng dibdib ko.
Nakatulog ako ng gabing 'yon nang may ngiti sa mga labi. At nang magising ako ewan ko ba pero ngiting-ngiti parin ako.
Habang nag-aalmusal, nakangiti.
Habang naliligo, nakangiti.
Habang nagbibihis, nakangiti.
Hindi ko din alam kung ano bang problema ko eh inaccept niya lang naman ako sa social media, hindi naman niya sinabing magpapakasal na kami kung makaasta ako.
Maya-maya pa may kumatok na siyang tumapos sa pagde-day dream ko dito. Si Manang lang pala.
"Hija, andito na si Edsel, diba may lakad kayo?" Tanong niya. Every sunday kasi lumalabas kami dalawa ni Edsel o di kaya kaming tatlo nila Ate Iza para makapagbonding pero 'di sasama ngayon si ate Iza kasi mukhang badtrip, wala sa mood, nag-away ata sila ng boyfriend niya. Naku, ewan ko lang kung hiwalayan na ba?
Nagmamadali kong kinuha yung bag ko at sumulyap for the last time sa salamin para makita kung okay lang ba itsura ko. Napatango-tango naman ako.
Dali-dali akong bumaba kasi masyado pa namang mainipin yung baklang yon.
Pagkababa ko nakita ko siya sa salas at mukhang nakikipaglandian sa chat kasi humahagikhik pa ang shuta. Mukhang 'di naman niya ako napansin kaya pumunta ako sa likuran niya at binatukan siya, "Hoy bhakla ka, anlandi-landi mo!" Napatili naman siya kasi masakit daw tapos sinabunutan ako kaya sinabunutan ko din siya. Ayun nagsabunutan na kami doon.
"Gaga ka, yong hair ko!" Napakaarte talaga. Ako naman dito ay nagsusuklay after ng sabunutan session namin. "Tsaka makapagsalita ka naman ng malandi gago mas malandi ka! Kala mo di ko alam mga damoves mo kahapos, huh," ngayon ako naman ang humagikhik sa sobrang kilig kasi naalala ko na naman yung kahapon.
"Ene be nemen yen," humuhagikhik na sabi ko, "Don't worry, invited ka sa kasal namin,"
"Aba matindi," Inirapan niya ako at nagsimula na siya maglakad palabas ng bahay habang kumikendeng.
![](https://img.wattpad.com/cover/232643075-288-k280113.jpg)
BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...