Kabanata 23

22 1 0
                                    

Kabanata 23

Inaabangan ko si Ate dito sa sala. Kumain na kami ng hapunan at lahat-lahat pero hindi parin dumarating si Ate. Ang pinagtataka ko ay parang hindi manlang nag-aalala si Mama o ano.

Kasalukuyan akong nanunuod ng TV nang bumukas ang pinto, si Ate, nakainom.

Mukhang nagulat pa siya na mamataan ako sa sala eh sa mga ganutong oras ay nakakulong lang sa kuwarto at kausap si Vynx.

Umiwas siya ng tingin at ipinagwalang bahala niya na lang ako saka dumiretso sa hagdan.

"Saan ka galing?" Nagfreeze siya at parang gulat sa tanong. Sanay kasi siyang wala akong pakialam kung saan siya galing.

"Lumabas kasama kaibigan ko, nag-inuman na din," tutuloy na sana siya sa paglalakad ng magtanong ulit ako.

"Sinong kaibigan, si Josh?"

"H-Huh?" Namutla siya.

"Nakita kitang sumakay sa sasakyan niya." Tinaasan ko siya ng kilay.

Awkward siyang tumawa, "Madaming magkakaparehas ang sasakyan dito?"

"Oh?"

Umikot ang mga mata niya, "Fine, kasama ko siya, puwede na akong magpahinga?"

I cocked my head, "Anong ginawa niyo?" Parang inosenteng batang tanong ko.

"W-Wala! Sinamahan ko siyang nagpaparlor!" Parang nataranta siya at hindi pinag-isipang mabuti ang sagot.

"Eh bakit nakainom ka? Tsaka bakit sa'yo siya nagpasama eh diba, hindi naman kayo close? Kung nagpasama siya sa parlor, ba't ginabi ka?" Sunod na sunod na tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya saka nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya.

Napahalakhak ako, may something talaga sakanilang dalawa ni baklang Josh, or bakla nga ba talaga?

"Lumalayag ang ship ko," tumango-tango pa ako.

"YES! Can you believe that? Nagawa pang magsinungaling saakin? Nagpasalon daw! Mga vhaklang 'yon!" Umirit pa ako habang nagrarant kay Vynx.

Natatawa lang siya sa mga pinagsasasabi ko pero nakikinig naman.

"Maybe, friends?" Humahalakhak na sabi niya.

"Naku! Friends? Eh hindi nga nagpapansinan yung mga yun sa personal eh, tss," umirap ako. "Baka nageeut'an ang mga yun sa likod namin. Alam mo 'yon, sex sex lang ganern?" Siyempre, nagbibiro lang ako.

"What the fuck, Aditi? Saan mo natutunan 'yang mga 'yan?" Magkasalubong na ang mga kilay ngayon ni Vynx.

"Hindi ako pinanganak kahapon-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi may malalakad na kumatok sa pinto ko.

"Naririnig kita, Natania! Baka nakakalimutan mong magkatabi tayo ng kuwarto at hindi soundproof ang kuwarto mo?!" Boses ni Ate 'yon, galit na galit.

Nagkatinginan kami ni Vynx, mukhang narinig niya rin 'yon tapos sabay na malakas na tumawa.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw, pagpasa ng requirements at practise din para sa graduation namin.

May pasok daw sina Vynx sa araw ng graduation ko kaya hindi siya sigurado kung makakapunta siya. Nakakalungkot pero, okay lang. Study first tsaka napakalayo pa ng ibabyahe niya, kaya kung hindi man siya makakadalo, maiintindihan ko naman 'yon.

Lunch time ngayon, ito ang unang lunch time na wala akong gagawin dahil tinapos ko na lahat nang mas maaga, next week na ang graduation namin at naglalakad ako papuntang tambayan ko.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon