Kabanata 15

21 2 0
                                    

Kabanata 15

Pagkatapos ng exam namin ay Semestral Break agad kaya naisipan kong sa unang araw ng sembreak namin ay bibisitahin ko si Papa kasi matagal-tagal na din nung huli ko siyang nabisita.

Bumili ako ng bulaklak at ng kandila na din tapos ay nagpahatid sa driver namin papunta sa simenteryo.

"Dito ka na lang, kuya. Medyo matatagalan ako ng konti, kung gusto niyo kumain muna kayo diyan at tatawagan ko nalang kayo." sabi ko nang makababa ako nang sasakyan, umiling lang naman siya at sinabing hihintayin nalang ako.

Naglakad ako palapit sa lapida ni papa. Nilapag ko yung bulaklak sa tabi ng lapita niya tapos sinindihan yung kandila. Umupo ako sa damuhan at saka nag-usal nang kaunting dasal.

Pagkatapos non ay tinitigan ko yung lapita niya at hinaplos 'yon. Nakasalampak na ako dito sa damuhan. "Pa, sorry medyo matagal ako bago nakabisita sa'yo, nabusy ako sa school."

Nakatitig lang ako doon nang mga ilang minuto. Lumilipad ang nakalugay kong buhok ko dahil medyo mahangin ngayon.

"Pa, alam ko namang alam mo diyan kung anong nangyayari saamin dito pero kahit ganoon ay gusto ko siyang ipapakilala sa'yo,"

"May lalaki akong gusto pa, sabi niya gusto niya din ako. Alam kong bata pa ako sa mga ganitong bagay pero h'wag kang mag-alala kasi alam ko ang limitasyon ko,"

Tumawa ako, "nakakatawang isipin na pinpakilala ko na siya sa'yo pero wala naman kaming relasyon,"

"Pag pinapasaya niya ako, dadalhin ko siya dito at ipapakilala ko siya sa'yo, pangako."

Kinuwento ko pa sakaniya ang ilan pang nangyari sa buhay ko, namin. Gaya nung birthday ko, nung naghiwalay si Ate tsaka boyfriend niya at marami pa.

"Pa, uuwi na po ako. Promise, babalik ulit ako ng mas madalas. I love you." Sabi ko saka tumalikod na at naglakad papalapit ng sasakyan namin.

Nang tignan ko ang oras, isang oras pala akong nandoon at nagkukuwento kay papa. Super close kasi kami niyan kaya ganoon.

Namatay si Papa 7 years ago dahil sa diabetis. Nagkaroon siya ng kidney failure kaya kailangan niyang magdialysis 2 times a week pero hindi kinaya ng katawan niya.

Hanggang ngayon nandoon parin yung sakit eh, hindi naman yun mawawala kahit ilang taon na ang lumipas. Pero habang tumatagal unti-unti ko na ding natatanggap na isa na siyang anghel ngayon na laging nakasubaybay saamin.

Napakabait niya, maraming tao ang tumitingala sakanya dahil sa kabaitan niya ay isa 'yon sa hinangaan ko sakanya. Oo, sabihin natin na may kaya siya pero kahit kailan hindi siya tumingin na mas nakakaibaba sakaniya ang mga taong mahihirap. Ang lagi niyang sabi, galing din daw siya sa hirap kaya alam niya yung pakiramdam, kaya lagi itong tumutulong.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang makita kong nasa bahay na kami. Agad akong bumaba ng sasakyan saka pumasok sa bahay.

Nakasalubong ko si Mama, humalik ako sa pisngi niya tapos ay umakyat na sa kiwarto ko.

Pagkapasok ko ay tinapon ko na lang sa kung saan yung bag at sapatos ko tapos ay patalong nahiga sa kama.

Sa makalawa na ang birthday ni Vynx! Wala pa rin akong regalo o kahit ano para sakanya!

Problemadong problemado ako. Hindi ko nga alam kung uuwi ba siya dito para sa sembreak eh kaya ewan!

Naisipan kong bumili na lang ng regalo at saka ipa-ship ko nalang pa-Manila kaso hindi na 'yon aabot sa birthday niya. Ang late ko kasing mag-isip eh!

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon