Kabanata 17

13 3 0
                                        

Kabanata 17

Abala ako sa paggawa ng mga assignments ko habang nagkukuwento si Vynx sa harap ng camera tungkol sa mga nangyari sa araw niya.

Tahimik lang naman akong nakikinig habang busy sa pagsusulat.

"Then after that we went out to eat something. Then suddenly, my friend, David introduced a random girl to me. Can you believe that?! Ireto ba naman ako, syempre sabi ko, 'pre, stick to one 'to' " pagkukuwento niya saka ako kinindatan.

It's been two months simula nang tanungin niya ako kung pwede siyang manligaw. Siyempre sino ba naman ako para humindi eh halos sabunutan ko siya sa kilig 'non. Literal na hindi ako nakatulog 'non kaya mukha akong zombie kinabukasan, pero okay lang atleast may lovelife.

Nung ikuwento ko yun sa mga kaibigan ko, grabe ang o-oa nila halos maiyak pa habang sinasabi yung mga katagang 'dalaga na siya' habang kunwari ay humahagulgol. Mga oa eh hindi ko pa nga sinasagot, paano nalang kapag sinagot ko na?

At siyempre magpapahuli ba naman ang vhakla ng taon na si Edsel nung ikuwento ko yun, ayon sinabunutan ako sa sobrang kilig pero siyempre hindi ako nagpatalo sinabunutan ko din siya kaya ang ending nagsabunutan kami.

"Ulul yabang mo," sagot ko sakanya habang nakatawa at busy parin sa pagsusulat.

Ganito na ang sitwasyon namin, lagi nalang video call, kung malalagpasan namin ito, sigurado akong kaya din namin ang long distance relationship kasi kahit wala pa naman kaming label ay para na rin naman kaming magjowa sa sitwasyon namin eh.

"I miss you," he suddenly said, dahil doon napaangat ang tingin ko sakanya.

"I miss you too," nginitian ko siya. "Malapit na ang Christmas break, konting tiis nalang,"

"Yes, two more weeks," he sighed. "The first thing I'll do when I see you is to hug you, I promise. Ahh, I can already feel the warmth of your body," ani pa nito saka niyakap ang sarili.

Tinawanan ko lang siya tapos ay pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Tanya, kakain na" sabi ni Mama habang kumakatok. Napatingin ako kay Vynx na mukhang narinig din 'yon. Ngumiti siya, "Go,"

Tumango ako at pinatay na yung tawag saka bumaba at humarap kina mama.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang isingit ni mama yung tungkol saamin ni Vynx yung usapan. "Kamusta na kayo ni Vynx?"

"We're okay, Ma,"

Ngumiti siya, "I like him for you, mukhang mabait na bata. Ang saamin lang naman ay sana mabalin at alagaan ka niya at huwag paiyakin gaya nung sa Ate mo," sumulyap ito kay Ate.

Sumimangot si Ate, "Nadamay pa ako."

"Ma, huwag ka nga muna magsalita ng ganiyan eh hindi ko pa naman siya sinasagot eh, tsaka huwag masyadong mag-alala para saakin, kaya ko sarili k-"

"Eh hindi naman ako nag-aalala para sa'yo eh, nag-aalala ako para kay Vynx. Knowing how hard-headed you are, hay, kawawang bata. Next time na makita ko siya tatanungin ko kung sure na ba talaga siya sa desisyon niya at puwede pa siyang magback-out," pagbibiro niya.

At tawa ni Ate ang namayani sa buong kusina.

Days passed at heto ako ngayon busy nagpreprepare para sa Christmas party ngayon sa school. I'm now wearing the pure black off shoulder dress na binili ko noon kasama si a Edsel at pinarisan ng black sandals. Tapos ay kinurl ko ng konti yung buhok ko and I'm good to go.

Pagpasok ko sa kotse ni Ate ay sinalubong niya ako ng ngiti, "Hey, sexy." bati niya. Tinaas ko yung middle finger ko at hinarap sakanya.

Suminghap siya. "Bad! Susumbong kita kay Mama!" sabi niya pero nag drive na din naman.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon