Kabanata 2

77 9 0
                                    

Kabanata 2

Today is January 5 meaning, bukas na ang kasal, mamayang gabi ay may pasayaw sa groom's residence doon kasi ang magiging reception sa kasal dahil malawak din naman ang bakuran nila.

At ibig sabihin makikita ko na din sa wakas si bebe boy este si Vynx, yung poging magiging partner ko kasi balita ko doon daw sila tumutuloy ngayon kasi wala silang bahay dito at taga-Antipolo sila, saka lang daw sila umuuwi dito kapag bakasyon at talagang sinadya daw nila ngayon ang kasal at tuwing umuuwi sila dito doon sila sa bahay nina kuya Nathan tumutuloy.

At ngayon napakalaki ng problema ko; wala akong susuotin para mamaya!

Oo, medyo oa siguro pero alam ko lahat naman ata ng babae naging problema 'to lalo na kung sinasadya mo talagang magpaganda for someone. 'Di ko naman sinasabi na nagpapaganda ako for Vynx ah pero parang ganon na nga.

Binalak ko pangang humiram nalang ng susuotin kay ate Iza kaso bigla kong naalala malayong mas matangkad pala ako kaysa sakanya eh pandakekok pa naman 'yon kaya h'wag nalang.

Kaya heto ako ngayon problemado habang nakatingin sa kama ko na punong puno ng damit. Ayoko namang magmukhang engot doon no pero namumublema na talaga ako eh kasi 30 minutes nalang pupunta na kami sa bahay nina kuya Nathan at heto ako 'di parin makapili ng susuotin.

Maya-maya pa ay kumatok na si mama sa pinto ko "Tanya, anak, buhay ka pa ba diyan o natabunan ka na ng mga damit mo?" Napasimangot naman ako sa tanong ni Mama wala talagang oras na 'di niya ako pinagtitripan.

"Ma, wala akong mapili," napasimangot ako na para nakikita naman niya.

"Dios ko, sa dinami dami ng damit mo wala kang mapili? Naku bahala ka diyan Tanya iiwan ka talaga namin pag 'di ka pa nag ayos-ayos diyan, sige ka,"

"Oo na, Ma," ayun sapilitan kumuha nalang ako red dress na unang nagpakita sa paningin ko tsaka white sneakers, kahit hindi bagay sa damit ko dahil wala akong balak mag-heels ngayon, tapos kinulot ko nalang din ng konti yung buhok ko at naglagay ng light make up.

Akalain nyo yun, sa kinatagal kong nagpili ng susuotin ito lang pala susuotin ko. Well, okay na din to wala naman akong balak makisayaw mamaya.

Maliban nalang kung isasayaw ako ni Vynx.

So pagkatapos non ay bumaba na agad ako at naabutan ko si Mama at Ate na nakaready na at mukhang ako nalang hinihintay.

Magsasalita sana si Mama nung inunahan ko na siya. "Hep!" Tinaas ko pa ang kamay ko, signaling her to stop. "Alam ko na sasabihin mo, Ma. Sorry okay? Nahirapan akong pumili ng susuotin ko eh," agarang paliwanag ko.

"Nahirapan ka na diyan, huh?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa damit ko.

"Eh sa minadali ako ni Mama eh" kibit balikat na sagot ko. Maganda naman yung damit ko sadyang di lang bumagay sa sneakers ko.

"Oh sya, tara na nga at baka malate pa tayo," sabi ni Mama at nauna nang lumabas ng bahay, agad namang sumunod si ate. Si Ate ang magmamaneho, marunong naman na siya at may lisensya na din.

Sa back seat ako umupo kasi lagi namang sa shot gun seat si Mama eh so, no choice.

Pagkasakay ko sinaksak ko agad ang ear plug sa tenga ko at nagpatugtog nalang habang nagbabasa sa pocket book ko na laging dala in case I'm bored at isa din ako sa mga tao na hindi nahihilo kahit sa pagbabasa sa sasakyan. 30 minutes din kasi ang biyahe papunta don.

Namalayan ko nalang na nagpapark na si Ate, 'di ko man lang napansin na nandito na kami, tinanggal ko seatbelt ko at agad na lumabas sa sasakyan at pumasok na sa loob nang hindi sila hinihintay kasi magreretouch pa ang mga yun.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon