Kabanata 38
I don't know what to do, I don't know what to think. Nakatulala lang ako ngayon habang nakatitig sa dagat. Suot suot ko pa din ang suot ko kagabi.
Madaling araw na nung pinagbuksan kami ng mga kaibigan ko. Sa buong oras pagkatapos naming mag-usap ay nagyakapan lang kami habang nakahiga sa kama pero hindi naman kami masyadong nakatulog dahil nagigising din agad, marahil iyon na nga ang huli.
Nagulat nga ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ako umiiyak, mukhang pati ang mga luha ko ay pagod na din.
Nagulat ako nang may umupo sa tabi ko pero mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ito.
Kriz.
"Hey," ngumiti ito saakin pero tinitigan ko lamang siya, tinatantsa kung bakit ito ngayon nasa tabi ko.
"Don't look at me like that, I'm here for peace of mind." Bahagya itong natawa sa sarili.
Ngunit muling sumeryoso ang mukha. "Kanina pa kita pinagmamasdan, how are you?" Wika nito.
"I'm fine, just fine." I smiled to her geniuinely.
"Are you really? Pati si Vynx ay lutang din hanggang ngayon kaya't pinagpahinga muna namin siya tutal ay uuwi na din naman kami bukas for Christmas and New Year break," ani nito na siya nagpatigil saakin, uuwi na ito bukas.
"Well, not unless he'll stay here to enjoy the island," agad na bawi nito nang makita ang mukha ko.
Hindi ako sumagot dito at nanatiling nakatitig na lamang sa dagat.
Narinig ko ang buntong hininga nito, "Look, Natania. I'm really sorry for what I've done years ago." Unti-unti akong bumaling dito. "Alam kong nandoon ka nong gabing 'yon, I saw you," tuluyan na itong umiyak habang nagsasalita.
"Ako ang nagtext sa'yo nun at hindi si Jio kasi ako lang naman ang kasama ni Vynx nun," hinawakan nito ang kamay ko.
"Natania, please forgive me," napalunok ako.
"Walang kasalanan si Vynx doon sa nangyari, he's so drunk that he almost pass out, that's how drunk he is. Nung tinext kita, it was partly true kasi paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan mo, saying he loves you so much," humagulgol ulit ito. "I-I kissed him and pretended I was y-you! Oh God, I'm such a pathetic bitch!" Lalo itong umiyak kaya maski ako ay hindi na din napigilan ang luha ko.
"Call me desperada at opurtonista, please. Be mad at me, slap me!" Histerikal na ito ngayon at mabuti nalang at walang tao sa parte namin.
Napatingala ako para pigilang ang lalong paglaglagan ng mga makukulit na luhang ito, sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak pero heto na naman ako.
"S-Stop that," hinawakan kasi nito ang kamay ko at inilalapit sa mukha nito.
Huminto naman ito sa ginagawa, "I decided to just transfer school at magpakalayo-layo muna and just move on," pinunasan nito ang mukha nito. "And that's how I met my husband, Natania."
Napatingin ako dito, "May asawa na ako and a one year old baby boy." Ngumiti ito saakin, "Kaya't nandito ako ngayon para humingi ng tawad at lahat lahat kasi hanggang ngayon dala dala ko pa din 'yong bigat ng kasalanang ginawa ko sainyo dahil doon ay lalo kayong nasira,"
"Pinapatawad na kita," ngumiti ako sakanya, "unang-una ay hiwalay na kami ni Vynx nung panahong 'yon pero pasensya na kung nagalit ako sa'yo,"
"No, Natania. You have all the right to be mad, and thank you, thank you for your forgiveness. Sana ay maayos niyo na ni Vynx ang sainyo," pinisil nito ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Precious One
Novela JuvenilAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...
