Kabanata 1

126 13 0
                                    

Kabanata 1

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, mag-isa eh pano ba naman kasi, si Edsel umuwi na tapos si Ate Iza naman, lumabas kasama ang boyfriend niya kaya naman mag-isa lang ako ngayon kasama ang mga kasambahay namin.

Pero sanay naman ako na nakakulong lang lagi sa kuwarto, gaya nga ng sabi ni Mama, may pagka-anti social daw kasi ako. Saka lang ako lumalabas pag may importanteng pupuntahan o di kaya naman pag may bisita kami, hiyang-hiya ako at nakakulong lang ako sa kuwarto.

It's been 2 months mula nung malaman naming ikakasal na si Ate Maine at kadarating lang nang invitation kasi a week from now na yung kasal.

Hindi ko pa siya binubuksan kasi tinatamad pa ako at hilata nalang ako dito sa kama ko habang nakatingin sa dingding. Bored na bored na bored na ako dito sa bahay, wala akong maayos na ginagawa kundi ang gumising-kumain 3 times-magcellphone-tulog tapos ulit lang.
Christmas break kasi namin ngayon kaya walang pasok.

Kaya naman ngayon naisipan kong lumabas muna at maglakad lakad dito sa village bilang exercise nadin kaya naman dali dali kong nagbihis, kinuha ang cellphone at lumabas na kinuha ko din ang aso ko para makapagexercise din siya.

Habang naglalakad lakad ay naramdaman kong may kasabay na ako kaya napatingin naman ako sa tabi ko ng makita si Josh, kababata ko at bestftiend.

Gulat na gulat ako kasi nasa Canada to eh, bakit nasa harapan ko na?!

Hindi pa ako gumagalaw at tulala lang sa mukha niya dahil sa gulat nang mahina siyang napatawa at ginulong ang buhok ko sabay sabing, "Miss you, bestie,"

Yes, yes, yes. May pusong mamon din itong si Josh, oo, pero sakanya 'di mo talaga mapapansin kasi ang pogi-pogi at maskulado at talaga namang lalaking lalaki kung gumalaw, hindi gaya ni Edsel na mas marunong pang mag-ayos at mag make up kaysa saakin na babae.

Nagising na ako sa pagkagulat at tinalon siya ng yakap "Namiss kita!" Pineke ko ang iyak ko bilang biro. Binatukan naman niya ako.

"Gagang to! Eh wala nga akong isang taon doon eh. Atsaka pwede ba bumaba ka sakin at pinagtitinginan na tayo at baka mapagkamalan pa tayong magjowa, like ew," maarteng sabi nito.

"Eto naman nageemote pa ako eh, bwisit na to, so bakit ang aga mo umuwi eh akala ko doon ka na mag aaral," takang tanong ko.

"Hello? Duh, bawal bang magbakasyon? Shuta ka!"

Natawa nalang ako. Hindi parin siya nagbabago, maarte parin.

"By the way, girl, hindi ba aso mo yun?" Sabi niya sabay turo sa isang parte agad naman akong napaface-palm nang maalalang nabitawan ko ata siya kanina sa sobrang excitement na nakita ko ulit si Josh.

At ayon na nga ang aso ko at enjoy na enjoy na sa paglalaro sa putikan!

At ang mas malala kulay puti pa naman ang asong 'to!

Agad naman akong napatakbo sa parteng 'yon eh kasi 'tong asong 'to kaya namin ginagapos kasi mahirap hulihin at ngayong nakuha na niya ang kanyang kalayaan na matagal-tagal din niyang inaasam ay nag-enjoy na talaga.

"Ano ba 'yan! Akala mo ba madaling tanggalin 'yang putik na 'yan sa'yo?" naiiyak na sabi ko na kasi hindi din ako makalapit sa putik kasi nakaputi di ako pero mukhang wala akong choice kundi kunin siya kasi kahit anong tawag ko ayaw niya talaga akong pansinin!

"Wing, lika na dito dali, baby," tawag ko pa sa mas malambing na boses at sa wakas napatingin na siya saakin.

"Here. Come to mama." malambing na sabi ko at inunat ang kamay ko para salubungin siya pero hindi!

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon