Kabanata 28

20 1 1
                                    

Kabanata 28

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay kulay puting kisame ang bumungad saakin.

Amoy gamot, at rinig ang pagkataranta ng tao sa labas ng kuwartong kinaroroonan ko. Hospital? Sinong nagdala saakin dito?

Probably some stranger because as far as I can remember, I passed out in public.

Ngayon ko lang din napansin na naka-oxygen mask ako. Tinanggal ko iyon at unti unting umupo saka ipinalibot ang tingin sa paligid.

Wala akong kasama, siguro umuwi na yung nagdala saakin dito. Bumuntong hininga ako at luminga linga para hanapin yung cellphone ko para maitext si Vynx na nakauwi na ako para hindi ito mag-alala.

Aabutin ko sana iyon nung mamataan ko nang bumukas ang pinto ng hospital roon ko.

Nagulat ako nung paglingon ko ay nakita ko si Ate Belle, yung girlfriend ni Kuya Kaleb.

Mukhang nagulat din siya na makita akong gising pero agad ding nakabawi at binigyan ako ng ngiti.

"You're awake. Don't move too much, okay? Here, I bought foods in case you're hungry."

Hindi pa ako nakamoveon sa pagkabigla ay nasa harap ko na siya. "Hey! Are you okay? Where does it hurt?" Halatang nag-aalala ito.

Unti-unti kong binuka ang mga bibig ko para tanungin siya, "I-Ikaw ang nagdala saakin d-dito?"

"Yes, papasok na sana akong gymnasium nung makita kita at binati pero hindi mo ako at napansin at nagtuloy ka lang ng lakad pero nagulat nalang ako nung parang bumagal na ang lakad mo tapos parang konti nalang babagsak na. Agad kitang linapitan tapos bigla ka nalang nawalan ng malay. Nagpatulong ako sa mga lalaking nakakita din sayo na buhatin ka para madala kitang hospital," ngumiti ito at hinawakan ang mga kamay ko.

"Rest, okay? I'm not a doctor but I can see something wrong. I'm not gonna ask you what is it if you're not comfortable to talk about it," pinisil nito ang kamay kong hawak niya. "But if you need help or someone to call, I'm always one call away, okay?"

"Thank you..." nanubig ang mga mata ko.

"Hush, don't cry it's bad for you. Here, you need to eat something. Maya maya nandito na din iyong doctor na tumingin sa'yo kanina."

Kinain ko nga ang dala niyang healthy foods, nagkukuwento lang siya habang kumakain ako, inaaya ko siya pero busog pa daw siya.

"Oh! By the way, may kapamilya ka ba dito sa Manila para mabantayan ka dito sa hospital kasi I think, hindi ka pa makakauwi eh. Hindi rin naman ako makakastay kasi may pasok bukas," parang napaisip ito at may biglang naalala. "Oh! I'll just call Vynx! I forgot to call him earlier kasi nataranta ak-"

"H'wag!" Agad na tutol ko nung ilalabas na nito ang cellphone nito.

"Huh? Why?" Takang tankng nito.

"I-I'll just call Manang Selya. Kasama ko siya sa condo," tapos ay inabot ko ang phone ko para tawagan siya pero hinawakan ni Ate Belle ang mga kamay ko para pigilan ako.

"Why not Vynx?"

Umiwas ako ng tingin, "I just don't want him to worry,"

"Does he even know about you're condition?" Mahinahon niyang tanong. Hindi talaga ako nito tinantanan ng tanong.

Lalo tuloy akong hindi makatingin sakanya.

Bumuntong hininga ito, "He needs to know..." mahinahong pangaral nito saakin.

"I-I know... I just need to prepare myself for his r-reaction. I love him so much, Ate and I don't want him to leave me because of my condition, he might think I'm such a burden!" Umiiyak na ulit ako.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon