Kabanata 25

21 1 1
                                    

Kabanata 25

"Oh anak, yung mga bilin ko, huh? 'Yang puso mo." Sabi ni Mama nung makalabas si Vynx dala ang mga gamit ko para dalhin sa kotse niya.

Ngayon ang araw na pupunta akong Manila malapit na kasi ang pasukan at marami pa akong kailangang asikasuhin doon.

"Opo Ma,"

Nung nasa likod ko na si Vynx ay yumakap ako kay Mama para yumakap at magpaalam. Nagbilin din ito kay Vynx saka kami lumarga na kami.

Nagseatbelt ako saka humarap. "Are you comfortable?" Tanong ni Vynx habang naghahanda ng bumyahe ng mahaba.

Tumango lang ako kasi medyo sumasakit 'yung dibdib ko pero kaya parin naman. Sumandal na lang ako sa upuan at ipinikit ang mga mata habang pinapakalma ang sarili.

"Oh? You're sleepy?" I heard his voice. Binuksan ko ang mga mata ko, to see na may hinahalungkat siya sa mga gamit sa likod tapos ay humarap saakin, may hawak na itong neck pillow, pinasuot niya saakin 'yon tapos ay ngumiti, ngumiti din ako pero napalitan iyon ng igik nang biglang sumakit ang dibdib ko.

"Why?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling iling lang ako saka ipinikit na ang mga mata para h'wag na siyang magtanong. Itutulog ko na lang ito, nananalangin na sana paggising ay maayos na ang pakiramdam.

Hindi na rin nagtanong si Vynx saka inandar na ang sasakyan. Nilamon na din ako ng antok.

Nagising ako na may yumuyugyog sa balikat ko na tila ba ay ginigising ako. Pilit kong iminulat ang mga mata ko at bumungad saakin ang mala-anghel na mukha ni Vynx.

Pinakiramdam ko ang sarili ko at nakahinga ng maluwag dahil wala na akong maramdamang sakit.

Napatingin ako kay Vynx, "Nasaan na tayo?" Sa tingin ko kasi hindi pa ito Manila dahil 'nong inilibot ko ang tingin ko ay wala ni isang building pa doon.

"2 hours away from Manila, we still have a long ride, you need to eat." Sabi nito at ipinakita saakin yung hawak na paper bag, yan yung ipinabaon saamin ni Mama na packed lunch para daw hindi na kami bumili at gumasta pa.

Unti unti akong bumangon, si Vynx mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko at binigay saakin ng pagkain ko.

Tinanggap ko iyon, "Are you feeling okay now?" Napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya.

Mukhang napansin nga niyang medyo nanghihina ako kanina, tumango nalang ako saka siya nginitian. Nginitian niya din ako saka kumain na din.

Pagkatapos kumain ay itinuloy na namin ang biyahe. Ngayon ay gising na ako. Paminsan minsan ay nag-uusap kami pero di rin nagtagal ay tumahimik din.

"Here, you can connect your phone," pagbabasag niya sa katahimikan. Kinonnect ko na lang din yung phone ko para kahit papaano ay hindi masyadong tahimik.

Nakarating kami sa Manila mga alas dos ng hapon na, dumiretso kami sa bahay nila para makapagpalit siya at ilapag ang gamit niya para matulungan niya ako sa pag-aayos ng nga gamit ko.

Saglit lang siya tapos ay biyahe ulit kami papuntang condo ko na binili ni Mama.

Ang plano ay mag-aapartment nalang ako para konti lang ang gastos pero Mama insisted, saying that para may matuluyan din siya kapag pupunta duto sa Manila for business. Wala kaming bahay dito sa Manila kasi minsanan lang naman kami pumupunta dito, pag pumupunta naman si Mama dito for business ay naghohotel lang siya.

Malapit lang sa bahay nila Vynx yung condo ko na meters away lang din sa school so ang plano ay ihahatid-sundo ako ni Vynx.

Pagkarating namin doon ay expected na na nakahanda na lahat, mlMama had it organized na, nakabili na din siya ng mga kahit anong kakailanganin ko. Ang kailangan ko lang problemahin ngayon ay ang groceries then ang pag-aayos ng mga gamit ko. Sabi ni mama, kaya niya daw yun ginawa ay para iwas stress na din saakin.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon