Kabanata 13
Days became weeks, weeks became months. Today is my birthday, June 24.
I'm waiting for Vynx to greet me kaso mukhang hindi niya ata alam na birthday ko dahil hindi naman ata namin napag-usapan 'yon. Nakakalungkot but it's okay, maiintindihan ko naman.
May pasok kami ngayon so nandito ako sa classroom namin habang nakatunganga sa cellphone ko at hinihintay ang pagbati ni Vynx.
"Hoy! Birthday girl! Ano yan music video? Tulala lang saking kuwarto at nagmumuni-muni, ganon?" Gago talaga 'tong Mhel na ito.
Nginitian ko siya saka tinaas ang middle finger ko sakanya, "'Di kita isasama sa libreng lunch mamaya,"
"Ito naman hindi mabiro,"
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!"
Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Nandito kami ngayong apat sa isang restau at ililibre ko sila tapos bigla nalang nila ako kinantahan kaya ang ending lahat ng tao dito sa restau kinakantahan ako!
Nang matapos silang kumanta, "Salamat po," nahihiyang sabi ko sa lahat tapos binigyan sila ng matamis na ngiti tapos noong hinarap ko na ang mga kaibigan ko ay sinabunutan ko sila isa-isa.
"Ano yon! Nakakahiya. Mga bwisit kayo," I whispered my hiss.
"Kinantahan ka na nga namin, galit ka pa," kunwaring nagtatampong tumalikod saakin si Mhel kaya binato ko siya ng tissue. Tumatawa naman na siya nang humarap saakin.
"Seventeen kana, kayo na ba ng bebe mo?" Curious na tanong ni Clea.
"Alin don?" I joked.
Dramatic na hinawakan niya ang dibdib niya, "Cheater?!" Tapos binato niya ako ng tissue nagtawanan naman kami.
"We're fine,"
"Just fine? Wala pa rin bang label?" Si Joy.
"Hina naman niya!" Si Clea. Binatukan ko naman siya.
"Ilang buwan pa lang kami magkakilala, ano ba. Tsaka wala pa akong balak magkaboyfriend bago mag-eighteen, promise ko 'yon kay Papa,"
"Ay landi-landi lang ganern?" Sinamaan ko ng tingin si Mhel. Nagtawanan naman ang dalawa.
Natapos ang klase namin na hindi man lang nagparamdam si Vynx saakin. Hindi niya ba talaga alam na birthday ko? Sa pagkakaalam ko nabanggit ko naman yon sakanya kahit isang beses.
Maaga akong umuwi dahil may early dinner kami mamaya with relatives to celebrate my birthday.
Nakaupo ako sa backseat ng sasakyan namin. Nagpasundo nalang ako sa bagong hire na driver ni Mama kasi may gagawin pa si Ate at wala akong ganang magcommute.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Wala na mukhang limot talaga ni Vynx na ngayon ang birthday ko. I mean, hindi ba niya nakikita sa fb or ig?! May tagged photos akong naipopost tapos ginigreet ako ng mga tao. Wala ba siyang nakikita?
Pagkarating ko sa bahay maingay na sa loob, mukhang kompleto na sila. Close relatives lang naman.
Umakyat ako sa kuwarto ko nang tumunog ang cellphone ko agad ko iyong tinignan. Si Vynx! Inopen ko agad message niya.
vynxsand: hbd
What? 'Yon lang?
Kalma Tanya, atleast grineet ka niya.
natania: salamat.
Yon lang din ang sagot ko. Hindi na siya nagreply at sineen lang ang reply ko. Aba, matindi!
BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...