Kabanata 29

21 2 0
                                    

Kabanata 29

After a day on being confined, nadischarged din kaagad ako pero hindi parin ako pumasok ng isang araw para makapagpahinga ng maayos.

Biyernes ngayon, mga alas sinko na at inaantay ko si Vynx dito sa kotse niya kasi pinabili ko siya ng tubig.

Umayos ako ng upo nang makitang paparating na siya, binuksan niya ang pinto at nakangiti niyang mukha ang ibinungad niya saakin, pinatakan niya ako ng halik sa ilong ko saka binigay saakin yung hawak niyang plastic bag.

Binuksan ko iyon at naglalaman iyon ng tubig saka mga tinapay, napangiti ako, hindi na siya bumibili ng junk foods ang dinahilan ko dati sakanya ay masyadong unhealthy pero ang totoo ay bawal talaga sakin 'non.

Nag-umpisa na siyang magmaneho habang ako ay nagpapatugtog ng kanta.

There's no reason, there's no rhyme

I found myself blindsided by

A feeling that I've never know

I'm dealing with it on my own

Sinu-sway ko ang ulo ko habang pinapakinggang ang kanta, damang-dama.

Phone is quiet, walls are bare

I drink myself to sleep, who cares?

No one has to know

I'm dealing with it on my own

"I've got way to much time to be this hurt. Somebody help, it's getting worse," Pakikisabay ko sa kanta.

"What do you do with a broken heart?" Napatingin ako kay Vynx nung sabayan niya ako sa pagkanta, ang lamig ng boses niya pero napakasarap pakinggan. Tinignan niya ako saglit saka "Once the light fades, everything is dark,"

"What if we broke up?" Hindi ko alam pero bigla nalang lumabas 'yon sa bibig ko. Natigilan ito saka tumingin saakin pero kaagad ding tumingin sa daan, kapagkuwan ay tumawa.

"Don't joke like that, baby.." natatawang sabi nito.

"I'm not, I'm just asking. Don't mind me," nginitian ko siya saka tumingin na sa labas ng bintana.

I drive, chasing Malibu Nights

Nothing seems to heal my mind

I can't forget

"If ever that happens, then looks like I'll be feeling that song," Napatingin ako sakanya. "Pero alam ko namang hindi yun mangyayari," Umiling-iling pa ito.

Ngiti lamang ang isinagot ko sakanya tapos tumahimik na ako.

Tahimik lang kami habang bumabyahe kami hanggang sa may mamataan ako.

"Oh! Street foods! Daan tayo!" I exclaimed nung makatanaw ako ng mga ihawan and such. Parang bumalik yung energy ko.

Agad namang ipinarada ni Vynx yung sasakyan sa gilid kaya tuwang tuwa akong lumabas sa sasakyan, halos patalon talon ako habang papalapit sa mga nagbabanguhang pagkain, medyo matagal na din nung nakatikim ako.

Ngiting ngiti ako habang mabilis na naglalakad palapit sa pagkain nang maramdaman ko na may humawak sa bewang ko, napatigil ako at napatingin, si Vynx.

May mapaglarong ngisi sa labi nito, "My baby's excited, hmm?"

"Very! Kaya mamaya ka na magpalambing at bilisan mo ang maglakad kasi takam na takam na ako sa kwek kwek na natatanaw ko!"

Natawa naman ito saka hinawakan yung kamay ko at hinatak ako papuntang nagbibenta.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon