Kabanata 11

23 4 0
                                        

Kabanata 11

"It was actually planned for next month kaso kinulit ko sina Mom at Dad, so that I could spend more time to be with you this summer,"

'Yan ang mga katagang sinabi ni Vynx saakin na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ang mga landi-cells ko.

At! Isang linggo na ang nakalipas tapos kakachat niya lang saakin na nakarating na daw sila doon sa bahay nina Kuya Nathan. Doon kasi sila tumutuloy tuwing pumupunta sila dito, but I heard, may plano silang din naman magpatayo ng bahay dito.

Nakapag-usap din kami na lalabas kami bukas. Ngayon sana kaso kinulit ko siya na bukas nalang para makapagpahinga naman siya galing sa mahabang biyahe nila.

Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong pumasok sa banyo para makapaghanda. Hindi ulit kasi ako nagising ng alarm ko kaya medyo late akong nagising.

Naligo na ako at heto ulit ako at prinoproblema kung ano ulit ang susuotin ko. I want to look simple as possible.

So I just chose a plain black top and a denim shorts tsaka black belt. Then partnered with a white sandals. After that I curled my long hair abit. Then I put a simple make up on my face so that I wouldn't look pale.

Then voila! I'm done.

Kinuha ko yung bag ko tapos nagmamadaling bumaba. Sinabi ko na sakanya yung address ko sana lang h'wag siyang maligaw.

Sabi ko sakanya aantayin ko nalang siya sa labas ng village namin kaso mukhang siya pa ang naghihintay.

Nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya, looking so damn gorgeous habang nagtatype sa phone niya. Then maya-maya pa ay nagvibrate ang phone ko.

vynxsand: Andito na ako.

Di ko siya nireplyan at naglakad nalang palapit sakanya at mukhang hindi naman niya ako napansin kasi abala parin siya sa phone niya.

Nang nasa tabi na niya ako. Kinalabit ko siya. At napabaling siya saakin tapos binigyan ng matamis na ngiti.

"Hey beautiful," nakangiti nitong bati saakin. Nahiya naman ako.

"So, what should I say? Nice to see you again?"

Humalakhak ito, "Hmm, definitely. Where's my welcome hug?"

"H-huh?"

"Diba sabi mo last week yayakapin mo ako pag nakita mo na ulit ako," nang-aasar na ngumiti ako.

"Sira!" Sinuntok ko ng mahina yung braso niya.

"Seriously, come here and hug me," ibuka nito ang mga braso nito.

"T-Totoo?" Tumango tango ito.

Lumapit naman ako sakanya pero dahan dahan at mukhang nainip siya kaya hinila na niya ako palapit sakanya kaya bumagsak ako sa dibdib niya kasi nga malaking tao siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at dahan dahan ko namang inangat yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik.

Ganoon lang ang posisyon namin kaya ako na ang bumitaw kasi napakabilis na talaga ang tibok ng puso ko, ganon din ng kanya kasi naririnig ko na.

"Let's go?" I smiled. Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. Ang plano kasi namin ay ipapasyal ko siya dito sa amin.

"So, ikaw ang nagdrive galing Manila papunta dito?" Pagbubukas ko ng topic nang magsimula na siyang magmaneho.

"Humiwalay ako sa sasakyan nina Mom at Dad, kasama ko si kuya. Salitan kaming dalawa sa pagdadrive. Gusto ko kasing dalhin 'tong kotse ko para pag lalabas tayo ay may sasakyan tayo," my heart melted at that.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon