Kabanata 20

24 3 0
                                    

Kabanata 20

Hindi ko na nga siya napigilan na samahan ako, nagkuwentuhan nalang kami habang hinihintay na matapos sila.

At ngayon nandito kami ngayon sa isang restau para kumain ng lunch.

After that we went to the Mineswiew Park, sumakay na ngayon kasi medyo malayo. Picture picture agad sila. Ako dito tahimik lang na pinapanood sila habang nasa tabi ko si Vynx.

"Hoy! Kayong dalawa, kanina pa kayo. Dito nga kayo, picturan ko kayo," si Ate Maine.

Natatawa naman akong naglakad doon.

Ngumiti ako sa camera, pero nagulat ako nang akbayan ako ni Vynx saka ngumiti sa camera. Nilingon ko siya pero nakangiti lang siya sa camera kaya 'yon na din ang ginawa ko.

Pagkatapos non ay asaran na ulit sila, inaasar nila kami ni Vynx.

Pumasok na kami, todo picture ulit sila.

"Picturan mo ako dito!" Naeexcite na sabi ko kay Vynx habang naturo sa view.

Natatawa naman niyang nilabas ang camera niya. Ngumiti ako tapos click na siya ng click.

Natatawa akong lumapit sakanya, "Tama na, ang dami na 'non,"

"More, dun din sa side na 'yon," turo niya sa kabilang side. Natatawa ko siyang sinunod tapos picture-picture ulit siya. Mukhang tuloy-tuloy nalang anh pag-click.

"Halika, dalawa tayo," hinila ko siya palapit saakin.

Nilabas ko phone ko tapos binuksan yung camera.

"Ngiti," sabi ko habang nakahawak sa camera tapos yung isang kamay ay nasa pisngi niya at nilagyan siya ng 'pogi sign'

Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Siya naman ay natawa din dahil sa tawa ko.

Bigla kong nakita si Kuya Kaleb, nagmamatyag lang kasama si Kuya Nathan "Kuya!" Tawag ko. Napatingin naman siya saakin tapos nginitian ako, sinenyasan ko siya na lumapit at lumapit naman siya.

Hinila ko siya tapos pinatabi kay Vynx, fc ako eh.

"Ayan, picturan ko kayo, wala pa kayong picture magkasama eh," nangingiting sabi ko.

Nilabas ko camera ko, "Smile!"

Tinignan ko 'yung resulta, "Ang popogi,"

"But I'm more handsome, yeah?" Si Vynx na ngayon ay nakasilip na sa cellphone ko.

"Magkamukha naman kayo," sabi ko na nagpasimangot sakanya tapos niyakap niya ako sa likod at nilagay yung baba niya niya sa balikat ko.

"Sibat na ako. Yuck, clingy mo, bro," tapos tumawa siya, "Namiss ko tuloy girlfriend ko," tumingin siya saakin, "Anyways, Tanya, h'wag mo muna 'yang sagutin, pahirapan mo," tapos tunawa ito ng nakakaloko saka tumakbo na palayo kaya hindi na nakapagprotesta si Vynx sakanya.

Tinampal ko yung kamay braso niya, "Bitaw na, madami nang tumitingin," sabi ko habang tumatawa sakanya.

"Don't care," sabi kito saka isiniksik pa lalo ang mukha sa leeg ko.

"Bitaw, Sandejas," nakikiliti ako.

May bago na ata siyang pangalan, Vynx 'buntot ni Tanya' Sandejas.

"Fine," parang nagmamaktol pa siyang bumitaw tapos ay hinawakan 'yong kamay ko at naglakad na papunta sa puwesto nina Ate.

Napakalandi ng lalaking ito eh hindi ko pa naman siya sinasagot, gusto ko din naman.

Bumili-bili na din sila ng mga magagandang pasalubong dito.

At ngayon on the way ulit kami papuntang Botanical Garden, wala tatambay lang kami doon.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon