Kabanata 14

16 2 0
                                    

Kabanata 14

Days passed in a blur. Nandito ako ngayon sa tambayan ko at nag-aaral. As usual hindi ako magla-lunch. Lord, kayo na po bahala saakin kapag nagka-ulcer ako.

Nagbabasa lang ako ng novel na libro dito. Curious na kasi ako sa ending kaya tuwing may oras, ito lang talaga binabasa ko. Bawal ang mga ganitong libro dito pero siyempre, pag gusto may paraan.

"Hoy!"

Napairap nalang ako. Andito na naman siya. Si Lander. Kahit anong pagtataboy gawin ko sakanya, hindi niya talaga ako tinitigilan kaya nasanay na din ako na lagi niya akong binubulabog.

"Problema mong ulul ka?" Tanong ko nang makaupo siya sa harapan ko.

Hindi naman niya ako pinansin at naglapag ng plastic bag sa harapan ko. "Ano yan?"

"Alam ko namang hindi ka ulit kakain ng lunch kaya heto, binilhan kita."

"Hindi ako gutom, kainin mo na yan,"

"Naku, bad yan," umiling-iling pa ito. "Kainin mo na kasi,"

"Busy akong tangina ka,"

"Jusmiyo, bad magmura. Susumbong kita mama mo," Inirapan ko siya.

"Akin na nga, ingay mo!" Kinuha ko yung pagkain at binuksan.

Rice tsaka sisig 'yon, agad na nanubig ang bagang ko. "Kung sinabi mo lang na sisig pala ito, kanina pa sana ako kumain!" Masiglang sabi ko habang kinukuha yung kutsara't tinidor.

"Huh! Pabebe ka lang!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Sumubo ako. Sarap talaga nito.

"Puro nalang ata kasi kwek-kwek laman ng tiyan mo,"

Tinaas ko yung middle finger ko sakanya dahil sa sinabi niya, habang ngumunguya.

As usual, kuwento siya ng kuwento. Yung mga nangyari sa araw niya, kesyo ganito, kesyo ganiyan. Hindi na lang ako nagsasalita at nakikinig nalang. Hindi rin naman siya titigil kakadaldal kahit awatin mo. Chismosa ng taon.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko yung tinignan.

vynxsand: have you eaten lunch?

Napahagikhik ako sa message niya. Parang dumoble yung pagiging caring at sweet niya saakin nitong mga nakaraang buwan.

natania: eating rn

Siyempre iniklian ko yung reply ko baka sabihin niya sobrang excited ako sa mga message niya.

"Sino yan?" Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako.

"Huh?"

"Yang katext mo, kanina ka pa humahagikhik eh," nakabusangot na ito ngayon.

"Secret walang clue," humagikhik ako na lalong napasama ng mukha niya tapos tinignan ko yung reply ni Vynx.

vynxsand: alright, eat well. Laters

Napangiti ako.

Magrereply na sana ako nang bigla nalang tumayo si Lander kaya napatingin ako sakanya.

"Oh, saan ka?"

"Wala, may gagawin pa pala ako." Nag-iwas ito ng tingin.

"Oh-kay? Salamat sa pafoods!"

Tumango lang ito at tumalikod na, at hindi man lang nag-abalang lumingon ulit, diretso lang ang lakad nito.

Napakamot ako ng kilay, "Problema non?"

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon