Kabanata 39

41 1 0
                                    

Kabanata 39

December 24, Christmas Eve, I received a call from my sister, telling me she's getting married, tomorrow! On Christmas day!

"Wait, wait, hold up, I'm still trying to process everything," huminga ako ng malalim dahil balak ata akong bigyan ng heart attack ng kapatid ko.

"Okay, so first of all, to whom are you going to be wed with?" I finally asked.

"To the father of my child duh," she said in a matter-of-fact voice.

"Eh sino ba ama niyan, 'di mo pa nga nasasabi-"

"It's Josh."

"Ah si Josh," tumango-tango pa ako habang ipinagpapatuloy ang pag-aayos ng maleta ko para sa biglaang pag-alis. Nang bigla kong na-realize kung sino ang papakasalan ni Ate.

"Aba'y putangina! Pa'no 'yun?! Hindi ba't...?" sunod sunod kong sabi, pero teka... buntis si Ate, si Josh ang ama... May nangyari na sakanila?! Aba malamang! Lalo na lumaki ang mata ko. Parang hindi ko na pinag-iisipan ang mga sinasabi ko sa rebelasyon narinig.

Kaya pala... Naaalala ko noon, ang mga tinginan nila, taon na ang lumipas noong huli ko silang nakitang magkasama, inaasar ko pa sila at hindi ko inaasahan na sila pala ang magkakatuluyan sa huli.

"Tangina mo rin. Bahala ka na, basta kailangan mo pumunta, maid of honor kita. Bye." Binabaan na ako nito. Napakamaldita naman ng buntis na 'to, magmukha sana siyang balyena bukas.

I can't seem to process everything, akala ko ba pusong mamon yung loko'ng 'yun ta's biglang ganito. Napahilot ako sa noo ko.

At kung maka-utos naman 'tong Ate 'kong 'to, akala mo ang dali-daling umuwi lalo na ngayong rush hour. Eh sino ba kasing magpapakasal ng Christmas day? Buti nga at nakahanap pa sila ng paring magkakasal sakanila.

"What did she said?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng may marinig akong boses sa likod ko. Aba'y may mga chismosa na pala dito.

"Well, she's getting married," ipinagpatuloy ko na ang pag-iimpake, tinulungan na din ako ni Clea at Joy habang si Mhel ay nanunuod na parang boss.

"Buti nalang pala at nasulit na natin 'yung bakasyon natin dito at nakabili ng mga souvenirs," ani Mhel.

Napaangat ako ng tingin, "What? Uuwi na rin kayo?"

"Yup! We're invited kaya," si Clea naman 'yun ngayon.

"So anong ibig niyong sabihin?Alam niyo na ang tungkol sa kasal bago ko pa malaman?"

"Hindi ah, kanina lang niya kami minessage. Everything went too fast daw kaya't hindi nakapagprocess ng mga invitations so they sent us the invitations online," Napakunot ang noo ko. Ang special naman ng tatlong 'to, ba't wala ako 'non? Minura pa nga ako ni Ate habang iniimbita.

Napasimangot ako, "Whatever," isinarado ko ang bag ko, "Mauuna nalang ako at kailangan ako sa reception, sabay sabay nalang kayong pumunta. Yung yate sa hapon nalang kayo, sasakay ako sa pang-umaga, kasabay nung ilang mga engineers."

"Alright, mag-iingat ka, okay?" Tumango ako at bineso sila saka nagpaalam na.

With my heavy backpack, naglakad ako papunta sa kumpulan ng mga tao na nag-aantay sa paparating na yate.

Nagulat ako nung biglang may humablot sa bag ko, napatingin ako doon at nakita si Vynx na pilit inaabot ang bag ko pero hinigputan ko ang hawak doon. Galawang snatcher naman 'tong isang 'to.

"Let me, it's heavy for you," he said. His eyes piercing through my soul.

"I-I can," I mananged to say even with my hyperventilating heart. Yeah, this heart, same effects. Of course, It's Vynx Sandejas, my first and only love.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon