Kabanata 4

46 9 0
                                    

Kabanata 4

Para akong musmusing bata na naka gown dito sa labas ng simbahan habang hinihintay si Vynx with his magical tsinelas.

Nang may maisip akong kalokohan. Inilabas ko yung phone ko at naghanap ng magandang pagpicturan saka pinicturan yung paa ko at pinost sa ig story ko.

'prince charming, asan na yung tsinelas mo?' Caption ko.

Napahagikhik naman ako sa kagagahan ko. Nang matype ko na iyon ay dali-dali kong pinost at tsaka sakto naman na dumating si Vynx.

"Ang init-init tapos nakapaa ka pa, naglalakad-lakad ka pa," 'di makapaniwalang sabi niya.

"Antagal mo eh,"

"Tss, malayo kasi nakapark sasakyan namin, oh eto na yung tsinelas," sabi niya sabay lapag sa harapan ko yung tsinelas.

"Salamat, ibabalik ko na lang 'to mamaya. Akin na yung hills ko," sabi ko nang mapansin kong hawak niya parin yun hanggang ngayon, binigay naman niya yun saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba niya kinuha 'yon at mukhang pati ito ay naguluhan din kung bakit hawak iyon.

Nginitian ko siya at tinalikuran narin at nagsimulang maglakad nung nasa parte na ako na hindi niya ako makikita bigla nalang akong nagtatalon-talon doon dahil sa kilig.

"Baliw na 'to, anong ginagawa mo diyan," si Ate Iza. Agad naman akong tumayo ng maayos saka tumikhim.

"Wala, alis na ba tayo?" Pangwawala ko sa usapan at mukhang nalimutan naman niya yung nakita niya.

Tumango siya, "Oo, halika na kanina pa kita hinahanap, ikaw na lang ang wala," Okay nalang ang sagot ko at sumama na.

Pagkarating namin sa reception madami nang tao. Agad akong pinapunta sa bahay nila Kuya Nathan kasi sa tradisyon natin diba pagkauwi ng bagong kasal, magdadasal sila sa loob ng bahay. Kailangan daw ako doon, kami ni Vynx to be exact kasi kailangan daw pagdating nila Ate Maine at Kuya Nathan nandoon daw dapat kami para salubungin sila na may hawak na kandila.

Habang hinihintay namin ang bagong kasal nakaupo ako sa harapan ng ay naramdaman ko ang bigat ng mga matang nakamasid saakin, inilibot ko ang tingin ko at nahuli si Vynx na matamang nakatingin saakin.

At nang makita niyang nahuli ko siyang nakatingin saakin ay agad siyang nag-iwas ng tingin at namula ang buong mukha.

Naguluhan naman ako sa inasta niya at napailing-iling nalang saka nag-iwas din ng tingin.

'Di rin nagtagal, dumating na sila Ate Maine at Kuya Nathan. Ngiting-ngiti naman ako kasi talagang masaya ako para sakanila eh.

Dadasalan daw muna silang dalawa sa loob kaya lumabas muna ako. Nakagown parin ako hanggang ngayon pero nakatsinelas.

Naalala kong kailangan ko nga pala 'tong ibalik kay Vynx, pero pwede bang h'wag nalang? Lalo na yung panyo, ang bango eh. Pero masama yun at dahil mabait ako, ibabalik ko nalang. Saka para na din makapagusap kami.

Nang lumabas na sina ate Maine ay nagsimula na ang program at kainan! Pumasok muna ako sa loob para makapagpalit ng damit. Nagbaon ako ng high waisted shorts saka black cropped top bilang pamalit ko. Nagdala na din ako nang sandal so agad akong nabihis at hinubad ko na din yung tsinelas ni Vynx kahit ayaw ko pa saka sinuot yung sandals ko may napansin akong maliliit na sugat sa paa ko dahil siguro sa hills. Pagkatapos non ay lumabas na agad ako.

Palabas na sana ako ng bahay ng makasalubong ko si Vynx na may hawak na plato mukhang ayaw kumain sa labas at dito sa loob kakain. I glanced at his plate and amazed how much his food is, to think na napakaganda ng katawan niya pero malakas siyang kumain. Maybe he works out. Mukhang magkakasundo kami sa pagkain.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon