Amora Island Series : Uno, His Precious One.
Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast.
Long distance rela...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Andito kami ngayon sa sala namin dito sa bahay kasama ko ngayon pinsan ko, si Edsel o Edsella, may pusong mamon kasi siya kaya't madami na namang kababaihan ang nasayangan. At kapatid ko, si Ate Izabel.
Trio kaming tatlo, laging magkakasama, sa kagaguhan, sa iyakan at lalo na sa galaan, halos kami na ang magkakasamang lumaki, nineteen na si Ate Iza, eighteen si Edsel, tapos sixteen ako.
Nandito kami ngayon sa ngayon sa sala at hawak ang kanya kanyang cellphone. Ganito naman kami eh kung hindi nagchichismisan, wala, nagcecellphone nalang ng magkakasama.
Pero yun nga lang silang dalawa, pag hawak ang phone, kachat jowa. Ako? Fictional character lang ang jowa.
Nakakainis nga kasi naririnig ko pa mga hagikhik nilang dalawa na para bang kilig na kilig sa kachat. Mga malalandi!
Ako lang naman matino saaming tatlo eh, ano pa nga ba?
Kaya imbis na murahin sila sa isip ko naisipan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad nalang muna. At dahil busy silang dalawa, hindi din nila ako napansin.
Nang bigla kong makasalubong sina Ate Maine, pinsan ko din, kasama si Kuya Nathan, long-time boyfriend niya.
"Hi Ate! Buti napadaan kayo." Bumeso ako at iginaya sila papasok ng bahay. I also acknowledged Kuya Nathan's presence.
"Yeah, we just drop by to announce something,"
Tumawa ako, naexcite, "Ano naman? Ikakasal na kayo, ganon?" Pabirong hula ko habang tumatawa.
"Ugh! How can people guess it in just one guess,"
"Magaling ako eh," tumawa ako at nagpatuloy sa paglalakad nang bigla nalang magsink-in saakin ang lahat. Nag-U-Turn ako pabalik sakanila.
"Ikakasal na kayo?!"
"Bingi! Kakasabi nga diba,"
Humalakhak ako ng malakas sa hindi mapigilang excitement.
"Abay ako! Self proclaimed na ah! Walang bawian!" Tumalon-talon ako, "Patingin nga ng singsing!" Hinawakan ko ang kamay niya. Hopeless romantic kasi ako.
"Eh? Tili tili ka diyan kala mo maganda boses mo," sabay irap sakin ni Edsel na lumabas ng bahay dahil siguro sa ingay ko, nasa likod niya si Ate Iza. Aba! Napaka attitude talaga ng baklang ito.
"Ikakasal na si ate Maine at kuya Nathan!" I exclaimed. Inunahan ko na talaga ang ikakasal na mag-announce.
"Oh really? Wow, congratulations Ate, Kuya." Parang ang bait naman nitong si Ate, nagpapabango siguro, gusto din maging abay.
"A wedding coming! More fafa!" 'Yun pa talaga ang unang sumagi sa isip ni Edsella.
Tumawa si Ate Maine. "Don't worry, maraming poging pinsan itong si Nate," kumindat pa ito saamin, nakikisabay sa trip ni Edsel. Natawa naman si Kuya Nathan.
And those words caused Edsel to jump in pure delight, we all laughed.
I'm so happy for the both of them, I mean, kasal nalang naman talaga ang kulang sa relasyon nila dahil nagli-live in na din sila. All I want for them is to be happy.