Kabanata 16

20 1 0
                                    

Kabanata 16

"Where do you want to eat?" Tanong ni Vynx habang nakatutok ang mata sa daan at busy sa pagdadrive.

"Kahit saan nalang,"

"Oh-kay? May nadaanan akong restaurant kanina dito. Doon nalang," Um-oo nalang ako.

Ipinarada niya ang sasakyan niya sa harapan ng isang mamahaling restaurant. "Hoy! Ba't dito? Mahal dito!"

"Sabi mo kahit saan,"

"Eh masyadong mahal dito eh,"

"It's my treat, come on," hinawakan niya yung kamay ko at hinilang papasok kahit ayaw ko. Eh kasi naman, masyadong mahal dito.

Nang makaupo kami ay iniabot niya saakin yung menu.

"Orderan mo nalang ako," sabi ko habang pinapalibot yung tingin. Nakapasok na ako isang beses dito; Family Dinner.

"Okay," sabi niya saka tinawag yung waiter. Nagulat naman ako dahil tuloy tuloy na siya sa pagsasalita at ang daming inoorder!

Nanlalaki ang mata, nang makaalis ang waiter, hinampas ko yung braso niya, "Ano yun! Balak mo ba akong gawing balyena, huh?!"

Tumawa naman siya, "Hindi lang kita gustong magutom,"

"Hindi naman ah,"

"Don't lie. Nasabi saakin ni Edsel na lagi ka niyang nadadaanan sa likod ng school niyo tuwing lunch time, nagbabasa,"

"Doon lang talaga ako kumakain," agad na depensa ko.

"Really, huh," tinaasan niya ako ng kilay.

"Really, Mr. Sandejas." Hindi ako magpapatalo 'no.

"Fine, you won. Just please, don't starve yourself, okay? Wala ako malapit sa'yo para masiguro kung kumakain ka talaga."

"I'm eating, 'food is life' is my motto,"

He rolled his eyes at me. Cute.

Maya maya pa ay dumating na yung pagkain namin. Grabe ang dami, puno yung table namin.

"Eat." Utos niya.

Kinuha ko nalang yung kutsara't tinidor at nagsimula nang kumain.

Grabe, ang sarap pala dito, nalimutan ko na din lasa ng mga pagkain dito kasi matagal na nung huli akong kumain dito.

Subo ako ng subo na hindi man lang pinapansin si Vynx.

Pasubo na ako nang mapadako ang tingin ko sakanya. He's sipping his juice while starring at me intently. "Eat more, don't mind me," sabi niya.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"I did. A while ago. You're just to busy with your food," he chuckled. Sinimangutan ko siya.

Tumusok ako nung isang putahe tapos ay iniamang sa bibig niya, "Eat more," I said.

He laughed at my face bago sinubo yung pagkain. "More," he said.

Aba! Wala ba itong mga kamay. Hmp, pero sige na nga ang cute niya eh.

"Oh, nganga," sabi ko. Ganon lang kami habang kumakain.

Nagkukuwentuhan na din kami tungkol sa school namin, mga rants namin. Yung mga maaway ko nga kinikuwento ko sakanya, and now guess what, kaaway na din daw niya yung mga yun. Ituro ko daw sakanya pag nakasalubong namin at babanatan niya.

Tawanan lang kami ng tawanan. Ang saya. Sana hindi na matapos 'tong araw na ito.

Naglilibot-libot kami sa isang bookshop habang magkahawak ang kamay. Naghahanap ako ng libro pero ayaw niyang bitawan yung kamay ko, baka daw maligaw ako. Natatawa nalang ako sasakanya.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon