Kabanata 36

34 1 0
                                    

Kabanata 36

At dahil masama ang timpla kong natulog, masama din ang timpla kong gumising.

Kasalukuyan akong sumisimsim ng kape dito sa balcony ng cabin namin, alas sais ng umaga. Nagluluto si Clea sa kusina, tahimik si Joy na nagkakape din sa tabi ko at mukhang takot masinghalan ko dahil sadiyang masama ang gising ko habang si Mhel ay ayun, humihilik parin.

Ibinaba ko ang tasa ko habang mariin parin ang titig sa karagatan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, selos ba ito?

Natania, wala kang karapatang magselos!

Napabuntong hininga ulit ako, hindi na mabilang kung ilang buntong-hininga ang nilabas ko sa umagang ito at mukhang napansin 'yon ni Joy.

"Is your problem still about last night?" Mukhang hindi na nito napigilang magtanong.

Napatingin ako sakanya, "Ang hirap hindi isipin eh," ngumiti ako pero hindi umabot sa mga mata ko.

Bumuntong hininga din ito na parang nararamdaman ang nararamdaman ko. "Why don't you talk to him? To sort things out, kung pwede pa. Kung hindi na, for closure nalang," she suggested.

"Yeah, I'm actually planning to," I answered.

"I know it's going to be tough for you because I know, I can see it, you still love him," tumayo ito at nilapitan ako at hinawakan ang mga balikat ko, "But, that's love." She smiled.

Nahulog ang isang butil ng luha ko, pinunasan ko iyon at natawa tsaka niyakap ito, "Why are you talking like you've experienced it," tumatawa ako habang yakap ito.

Humiwalay ito saakin, "You know how much I love reading and writing novels," sumimangot ito saakin, "You don't have to say it to my face that I'm NBSB." Lalong humaba ang nguso nito.

Tumawa ako, "You'll find your the one soon,"

"Well, hopefully." Nagkibit balikat ito. Narinig namin ang tawag ni Clea for breakfast, nagkatinginan kami kaya't tumayo na ako.

Bago namin nilisan ang balcony ay may sinabi pa si Joy, "Think about it but don't drain your brain so much, 'kay? Love you," pinisil nito ang kamay ko saka ako nginitian.

I nodded and mouthed my 'I love you too' to her before we headed to the kitchen.

"Wow! Foods!" Si Mhel na ngayon ay gising na.

"Okay, let's talk about what we should do for today," saad ni Clea habang naglalapag ng mga pagkain sa mesa, tumulong na din ako.

There's fried egg, hot dogs, bacon plus fried rice, typical breakfast. Sa aming tatlo ay si Clea talaga ang mahilig magluto, marunong naman kaming lahat, sadyang siya lang ang may tiyaga na ipagluto kaming lahat.

"Depende sa mood," kibit balikat na sagot ni Mhel habang tumutusok ng hotdog.

"Ako nakaschedule na ako mamaya, maghahanap ako ng starfish, gagawa ng sand castle, magpapahabol sa alon, tapos bibisita sa site, maraming pogi eh!" Sabi ni Mhel, napa-facepalm nalang talaga ako habang binatukan ito ni Clea at humahalakhak naman si Joy.

"Let's just try visting the rock formations and picnic there nalang," I shrugged. "I'm not really into something physical right now, we still have a week to do that so.." I suggested.

"Ayoko nga!" Agap ni Mhel.

"Bring back memories ba?" Nakangisi akong napatuptop sa bibig ko, "Ay, pasmado!"

"Eh ikaw, ex mo nga nandito! Ay, pasmado!" Para makaganti,tinampal ko ang bibig niya. Hanggang sa nagkasakitan na nga kami.

Hanggang sa naghampasan na kami ng mga braso doon na parang mga bata. It was fun, nagtawanan kaming dalawa habang hindi makapaniwalang nakatitig lamang saamin sina Joy at Clea.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon