Kabanata 10

32 5 0
                                    

Kabanata 10

Puyat na puyat ako at parang zombie habang naglalakad papasok sa classroom namin na nasa 4th floor pa kaya kailangan ko pang umakyat ng hagdan. Tapos ang dami dami ko pang dala na mga folders.

Napakadami kong ginawang requirements kagabi dahil malapit na din ang deadline. Talagang pinilit ko ng tapusin yun kagabi dahil alam kong lalo lang akong maiistress 'pag saka ko lang yun gagawin.

Tapos na ang test namin kaya requirements naman ngayon ang tinatapos namin. Para makapuntang grade twelve.

Pagkapasok ko sa classroom. Agad akong umupo at idinumog ang mukha ko sa table para makatulog. Buti nalang maaga akong pumapasok kaya mahaba haba pa ang maiitutulog ko.

Nakapikit lang ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kung hindi lang ako yinugyog ni Joy ay hindi pa ako magigising.

Nang tignan ko ang oras, 15 minutes palang ang tulog ko.

Agad kong hinarap si Joy, "Bakit?" I pouted, akala ko may prof na.

Tumawa siya tsaka nagpeace sign, "akala ko chinacharot-charot mo lang kami na natutulog ka eh, charotera ka pa naman, hehe sige na tulog ka na ulit,"

Sinamaan ko siya ng tingin at inambahan ng suntok. Hindi ko na maibabalik ang antok ko, ano ba yan!

"Eh bat ba puyaters ka ngayon. Late night talk kayo ni Vynx mo, ganern?" Inirapan ko siya.

"Napuyat lang, landi agad?! Grabe ka naman! Halos hindi nga kami nakapag-usap kahapon eh dami kong ginawa."

"Naku, huwag ka dapat mawalan ng oras sakanya! Bahala ka baka ipagpalit ka niyan sa mas malapit," sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh wala naman kaming relasyon eh,"

"Ayon nga lang, walang label," sagot niya, sinamaan ko ulit siya ng tingin. Nanadya talaga eh noh?

"Paano na 'yang lovestory niyo? Chat chat nalang ganon?" Nagulat ako nang nasa likuran ko na pala sina Clea at Mhel at nakikinig sa usapan naming dalawa. Para talagang kabute 'tong mga 'to.

Kahit nagulat sinagot ko parin siya, "Parang ganon na nga," I shrugged, this conversation is just making me so sad.

"Umamin ka na kasi!" Udyok ni Clea.

I pouted. "Hindi naman ganon kadali eh, tsaka ako na nga nag-first move, ako pa aamin? 'Yoko nga."

"Oo nga naman 'no. Pride nga naman, dapat lalaki unang umamin! Baka mamaya pinapa-asa ka lang niyan tapos iiwan ka din sa huli," Sarap talaga busalan bibig ni Mhel.

Si Clea ang tumakip sa bibig ni Mhel, "Don't mind her, broken hearted eh," inirapan ni Mhel si Clea saka nagwalk out.

Kaya naman pala at parang high blood si ateng. Ganiyan kasi talaga 'pag walang label.

Nilapitan namin si Mhel, "You okay?"

Napabaling siya saamin. "Bakit naman ako hindi magiging o--" her lips trembled. Oh my! She's going to cry!

Hinila ko siya sa pinakalikod na parte ng classroom namin para walang makapansin tapos niyakap ko siya.

Iniisip ko palang na gagawin yon ni Vynx saakin ay nakakapanghina na. Ewan ko ba pero habang patagal ng patagal ang panahon na ipinagpapatuloy namin dalawa ang komunikasyon namin ay lalong lumalalim ang pagkagusto ko sakanya. Sana lang at ganoon din ang tingin niya saakin.

Lalo na at magkikita ulit kami ngayong bakasyon. Nasabi niya kasi saakin na bawat bakasyon at christmas sila umuuwi dito sa probinsya. At hindi ko na mahintay ang oras na iyon!

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon