Kabanata 24

21 0 0
                                    

Kabanata 24

"TANYA! Bilis! hanggang graduation mo ba naman, babagal bagal ka ng galaw?!"

Napairap nalang ako. Graduation ko 'to, dapat lang na magpaganda ako, diba. Atat na atat sila edi mauna na sila pag di ako nakarating edi sila na ang grumaduate. Atsaka may ilang oras pa ako para maghanda. Sadiyang excited lang sila.

Bumaba na ako, nakasimangot. Ako ang nagmake up ng sarili ko dahil marunong naman ako saka baka hindi makuha nung artist yung gusto kong look.

"Ayan! Ganda-ganda ng baby ko! Pahalik nga!" Pabiro pang lumapit si Mama, natatawa ako lumapit saka nagpahalik nalang sa pisngi.

"Oh tara na, tara na. Bagal bagal talaga," yamot na sabi ni Ate habang nakaupo sa couch. Pansin ko, these days, lagi siyang wala sa mood.

Nag-away siguro sila ni Josh. Ahihihi.

Si Ate ang nagmaneho saamin papuntang school dahil nasaktong may emergency ang driver namin.

Pagkarating namin doon ay nakita ko na agad ang mga kaibigan kong nag-aabang saakin sa may gate. Agad akong bumaba para mabati sila.

Ang mga parents nila ay nasa loob na daw kaya pinapasok ko na din si Mama.

Si Mhel ay tila masama ang pakiramdam, wala kasi siyang kasama ngayon, ang Mama niya ay patay na, habang ang tatay niya ay hindi maganda ang trato sakanya. Wala daw siyang malapit na kamag-anak kaya wala siyang kasama, pero agad naman naming sinulusyonan, lahat ng parents namin ay nagbolontaryo na siyang sasama kay Mhel kaya laking tuwa naman si Mhel, muntik pa ngang maiyak.

At kaya daw nila ako inabangan sa gate ay magpipicture daw kami, ang tagal ko daw, himala nga na nauna pa si Joy kesa saakin eh siya ang laging late.

"Umayos ka nga, Tanya! Ngiti," pinakita saakin ni Mhel yung mukha niyang nakangiti, natawa ako. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob na kahit alam naming malaki ang problema niya sa bahay nila ay siya pa rin ang nagpapasaya saamin.

"Oo na, oo na," tinulak ko siya para makalayo siya sa mukha ko.

Ang kumukuha ng litrato namin ay ang lalaking kapatid ni Joy na isang photographer kaya naman bongga ang mga picture namin.

"Hindi porket hindi makakarating yung bebe mo ah!"

Lalo akong napasimangot nung marinig ko 'yon. Oo, sinabi saakin ni Vynx na hindi siya makakarating, marami daw siyang gagawin. Hingi siya nang hingi ng tawad saakin pero lagi ko namang sinasabi sakanya na okay lang iyon, na naiintindihan ko. Pero hindi pa rin talaga maiwasang manghinayang eh. Nakuha ko pa naman yung matagal ko ng inaasam na With High Honors.

Nagpicture-picture lang kami, napilitan na din akong h'wag mauwi sa ngiwi yung ngiti ko, ang sakit kaya bumatok ni Mhel.

30 minutes before the ceremony actually starts ay pinagpila na kami kasi magmamartsa pa kami gaya ng pinapractise namin.

Lumingon ako sa likod ko nang maramdaman na parang may mabibigat na matang nakamasid saakin, pero nung lumingon ako ay wala naman akong nakita kaya ipinagsawalang-bahala ko lang 'yon.

Hindi pa naman pormal na nagsisimula kaya marami palang ang nagkukuwentuhan at nagtatawanan.

May nahagip na isang pamilyar na bulto akong nakita, nakatalikod siya, may kausap. Lalapitan ko na sana kaso bigla nalang naglakad palayo. Hindi ko na rin naalala dahil nagsimula na ang martsa.

Pagkatapos 'non ay naupo na kami sa kaniya kaniyang upuan. Madaming nagsalita, at speech. Pagbibigay ng diploma tsaka yung mga awards.

Nakapila na ako dito, katabi si Mama.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon