Kabanata 18
"Oh, Tanya ilagay mo itong mga naluto na sa mesa tapos takpan mo muna itutuloy ko ang pagluluto pagkabalik natin," sabi ni Mama habang nag-aayos.
Today's Christmas eve and pupunta muna kami sa bahay nina Tita, malapit lang naman dito kasi sila lagi yung nagpapagames. At siyempre dahil isip bata kami makikisali kami sa palaro kasama ang mga pamangkin namin.
Pagkarating namin doon ay busy lahat sa pagluluto. Dito kami lagi nagchri-Christmas. Magluluto si Mama sa bahay tapos ay dadalhin dito tapos salo-salo kaming lahat.
"Hello, people!" si Ate 'yan, lakas talaga ng boses.
Hindi pa nagsisimula ang palaro. Sina Ate Maine ang laging nagpapalaro. Dito sila nagchri-Christmas tapos doon sa bahay nila pag New Year.
Umupo ako sa tabi ni ate Maine, "pst! Si Vynx ba ang premyo?"
Binatukan niya ako, "Ikaw! Ke-bata-bata, malandi na!"
I pouted. "Miss ko na eh,"
"Miss ka na din daw niya,"
Agad akong napatingin sakanya. "Weh, nakausap mo?"
"Oo, sasama siya saamin sa Baguio sa 26,"
Pupunta sila sa Baguio kasama sina Edsel, ate Iza, yung isa pang pinsan namin tsaka mga anak niya. Wala talaga akong planong sumama kasi mahina ako sa biyahe, lagi akong nasusuka. Pero hindi ko naman alam na kasama sina Vynx eh, kaya naman...
"Sasama ako!"
"Oh akala ko ba h'wag na kasi masusuka ka?" Tumatawang tanong niya.
"May bonamin naman tsaka magdadala nalang ako ng maraming supot, just in case hehe,"
"Sus, daming palusot. Noon, kahit anong sabihin namin, hindi ka sasama." Tumawa siya ng nakakaloko.
"Sandali, bakit ganiyan ka tumawa? Jino-joke-joke mo lang ako 'no?!" Akusa ko sakanya.
"Hindi nga! Sumama ka nalang para makita mo!"
"Eh! Pag sumama ako tapos hindi naman pala totoo, uuwi talaga ako!"
"'Di ka naman namin pipigilan 'pag ganun," tumatawang turan niya saka ako tinalikuran tapos naglakad palapit sa ihawan.
Tapos 'non ay lumapit ako kay mama. "Ma, sama ako sa Baguio," sabi ko habang nakanguso.
"Huh? Eh akala ko ba hindi? Baka magkalat ka lang 'don,"
"Anong magkalat?"
"Alam mo na," umakto pa siyang sumusuka. Umasim ang mukha ko.
"Eh kasi naman," ngumuso ulit ako.
Nagsimula na ang mga palaro, hep hep hooray, birthday dance, stop dance, direction dance at marami pang iba. Lahat 'yon sinalihan ko pero ni isa wala akong pinanalunan!
At ngayon nakaupo ako habang nakahalukipkip habang pinapanood 'yong mga pamangkin ko na naglalaro pa rin. Ako kasi yung unang natanggal. Kainis, may daya!
Natapos ang laro at naka-nguso ako ngayon kasi inaasar ako ng mga bata, binibelatan ako tapos pinapakita saakin yung mga pinanalunan nila, mga--hmp!
Last na itong lalaruin namin ngayon at kasali na lahat. May isang balde na punong-puno ng pera. Bubunot ka ng isa habang nakablindfold tapos sa'yo na.
Grabe ginanahan ako bigla maglaro, tinitigan ko yung 1,000 tapos pinagkiskis yung dalawang palad ko.
Nauna yung mga bata, lahat sila tinatawanan ko kasi puro tig-bente nakukuha nila.
Tapos nung ako na, tinitigan ko yung mga 1,000 tapos ay pinaningkitan ng mga mata tapos nagpablindfold na.
Minix-mix ko yung laman ng balde tapos walang pakundangang bumunot ng isa tapos itinaas saka agad na tinanggal yung blindfold ko...
BOOM BENTE!
Yung mga batang tinatawanan ko, ngayon halos magpagulong gulong na sa sahig sa kakatawa. Nakakatawa ba 'yon, nakakatawa?
Nakasimangot lang ako saka naglakad na pabalik sa upuan ko habang nakatitig sa bente ko. Nakakaiyak, ito lang napanalunan ko sa napakadaming games na 'yon?! Daya!
Maya-maya pa ay nag-aya na si Mama na umuwi muna para ipagpatuloy yung niluluto niya saka na lang babalik dito 'pag tapos na, day off kasi ng mga katulong sa bahay, siyempre hinayaan namin sila na magpasko at bagong taon kasama ng pamilya nila. Nagpaiwan si Ate Iza tapos ako ang sasama kay Mama kasi mag-iimpake din ako, desidido na akong sumama sa Baguio sa 26!
"Hoy Sandejas! Sasama ka sa Baguio sa 26? Bat di ka nagsasabi,"
'Oh you've found out? I was about to surprise you.' Sagot niya habang tumatawa. So totoo nga na sasama siya.
"Mama mo surprise! Kung hindi ko nga nalaman, may isusurprise ka pa kaya?"
Tumawa ito, 'Bakit naman' ang happy niya ah?
"Wala, masusuka lang ako 'don,"
'So kaya ka sasama kasi nalaman mong kasama ako?' May bahid ng pang-aasar ang boses niya.
"Hoy! H'wag ka nga. Pero totoo, miss kita eh, bakit ba?"
'Oh, you have no idea how much I miss you too'
"No idea, no idea. Bwisit ka! Eeser mo pe ake miss moe nemen pele eke,"
Humalagpak ng tawa si Vynx. 'What the fuck? Naiimagine ko mukha mo, h'wag ka nga,'
Gago 'to ah!
We spent our Christmas day blast. Napuno ng tawa yung buong bahay nina Tita.
Hindi na nga din ata ako nakatulog dahil sa tawagan din namin ni Vynx na nagsimula sa ala una ng madaling araw hanggang alas kuwatro wala pa nga kaming balak putulin yung video call kaya nga lang nakatulog ako habang ganon. Todo picture naman si Vynx sa itsura ko at ngayon 'yun 'yung pinang-aasar niya saakin.
Naging Santa naman si Mama na namimigay ng pera. Hmp! Ang kuripot niya saamin eh.
Tapos nangaroling din kaming magpipinsan. Tig-500 kami lahat kasi bawat bahay anlalaki nung mga binibigay.
Meron pa nga yung napuntahan naming bahay na may mga lasing, tapos nagpapataasan sila ng ibibigay saamin tapos ang ending, nag-away away sila, tapos kami? Ayun nagtakbuhan kami.
Meron pa yung isa na hindi kami nilabas, instead yung aso nila ang lumabas tapos hinabol kami. Grabe hingal ko dun.
Pero grabe din yung busog ko nung kainan na.
Mag-aalas dose na nung nagising ako. Dito sa bahay namin maglulunch sila Tita kaya busy ulit ang buong bahay.
Naglakad ako papuntang kusina tapos, humalik sa pisngi ni Mama tapos naglagay ako ng gatas sa baso ko.
"Aga ah," rinig kong parinig ni Ate saakin na kakapasok lang ng kusina. Inirapan ko siya. Tulog pa ang diwa ko kahit na nakapag-hilamos at toothbrush na ako kaya masungit ako sa umaga este tanghali.
"Hayaan mo na mukhang napuyat sa usapan nila ni Vynx kagabi," tudyo ni Mama. "Ma!" saway ko.
"Oh bakit, mali ba? Nagising ako alas tres kasi nauuhaw ako tapos nadaanan ko kwarto mo, rinig na rinig ko usapan niyo ni Vynx!" Narinig ko naman ang tawa ni Ate kaya napasimangot ako.
"Nga pala, bibisita ba si Vynx ngayon?" Tanong ni Mama.
"Hindi na siguro ma, magkikita naman kami bukas,"
"Asus, kaya naman pala biglaang gustong sumama," si Ate saka humagikhik. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin saka inubos yung gatas ko tapos lumabas na ng kusina. Maloloka ako sa dalawang 'yon.
Short update ngayon, tinatamad kasi ako ahihi. Sana nagustuhan niyo!
The Inked Rose
BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...