Kabanata 8

31 5 0
                                    

Kabanata 8

4:30 palang ng umaga ay gising na ako at abala sa pagrereview ng notes ko, mamaya na kasi ang unang araw para sa 4th quarterly exam namin.

Two months had already passed, Si Ate tuluyan ng nakamove on sa ex niya, well hopefully nakikita ko na kasi siyang nakangiti eh. Si Edsel as usual laging may kalandian.

Kami ni Vynx? We're alright, really happy. We became closer and closer to each other each day passed, takbuhan na namin ang isa't isa pag may problema, sumbungan pag may kaaway, nagbibiruan, minsan pa nga nagvivideo call kami eh. At ngayon, mas lumalim pa ang pagkagusto ko sakanya.

I'm already half way through my last subject na nirireview when I heard a knock on the door. I checked the time, 5:30 am, ganiyang oras kami gigisingin ni mama.

"Tanya, baba ka na, may naluto na ako. Ituloy mo na lang yan mamaya,"

"Opo Ma, hilamos lang ako saglit,"

Nagpunta ako sa banyo at naghilamos. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin, napapansin ko blooming ako ngayon, madami din ang nakapansin.

Well, perks of having special someone, maybe?

Pinunasan ko ang mukha ko ng towel tapos lumabas na at bumaba na din para makakain tapos itutuloy ko ulit rinireview ko.

Gusto ko talaga kasing makapasok sa with high honor kaya doble ngayon ang sipag ko. Gusto kong maging mas proud pa saakin si Mama, pati na din si Papa na alam kong laging nakasubaybay samin.

Bumaba na ako at naabutan ko si Ate at mama na kumakain na doon.

"Halika na dito, Tanya," ngumiti si Mama sakin, nginitian ko siya pabalik.

Kumuha ako ng fried rice at saka hotdog at bacon, pinalamanan naman ako ni Mama ng egg sandwhich.

"Kumain ka ng marami. Kasi 'pag gutom ka habang nagtetest mawawala din lahat ng rineview mo kasi mababaling atensyon mo sa gutom," tumawa naman ako.

Tinapos ko na agad ang pagkain ko tapos umakyat na ako para makapag-ayos. Chineck ko muna cellphone ko at napangiti ng may message si Vynx doon.

vynxsand: just woke up, good luck on your exam! I prayed for you

natania: good morning, salamat!

vynxsand: review hard. I won't bother you that much today so that you can focus lol

Binaba ko na ang cellphone ko ngunit nakangiti parin at pumasok ng banyo. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya, he is so thoughtful and to the fact that he prayed for me, that's just so sweet of him.

Naligo ako at nagbihis ng uniform tapos ay hinarap ulit yung reviewers. Nang matapos ako ay humilata ako sa kama. Parang pagod na pagod yung utak ko. Wala pang isang minuto na nakahiga ako may kumatok na sa pinto ko.

"Tanya! Tara na!" Grabe naman makasigaw 'tong si Ate Iza.

Pinulot ko nalang bag ko buti nalang naayos ko na to. Tapos non ay bumaba na ako.

Patakbo akong lumapit kay Mama at humalik sa pisngi niya. Nakaoffice attire na rin siya.

"Ate?" Tanong ko sakanya.

"Nauna na sa labas," tumango naman ako at tatakbo na sana nang tawagin ako ni mama.

"Tanya," napalingon ako. "Goodluck, anak," sabi niya tapos binato niya ako ng mansanas buti nalang nasalo ko. "Kainin mo yan, huh?" paalala niya.

"Thank you, Ma," I smiled at her then run out of our house kasi siguradong nababagot na si Ate.

Inaantay niya ako sa labas ng kotse niya, nang makita niya ako ay agad siyang pumasok. Pagpasok ko, sinalubong niya ako ng tanong,"So, what's up with you and that Vynx guy, huh," may halong pang-aasarar ang boses niya.

His Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon