Kabanata 27
From: Vynx 🦍
Basta nood ka bukas, okay?
Basa ko sa text ni Vynx, inaaya niya akong manood ng laro nila ng basketball kalaban ang kabilang university. Kailangan niya daw ng lakas kaya niya ako pinapapunta, tinawanan ko lang siya nung sinabi niya yun.
It's been a month mula nung nakapagpa-check-up ako.
Kahit natatakot ay sinabi ko parin kay Mama. She cried. Then the next day ay nakita ko nalang siya sa harapan ng condo ko. Pinapauwi na ako para matutukan daw nila ako doon pero umayaw ako, nagtalo pa kami ni Mama pero nanalo ako, in return na dito parin ako sa Manila mag-aaral ay magpapadala siya ng katulong galing sa bahay para raw hindi ako masyadong mapagod sa house chores. Pumayag nalang ako kasi gusto ko talagang mag-aral dito at makasama si Vynx.
Napagkasunduan rin namin na magpapatherapy ako habang sinisettle ni Mama lahat. Pumayag nalang ako kahit ayoko ng hospital dahil ang mahalaga ay gumaling ako.
Nasundan pa ang text nito.
From: Vynx 🦍
And, hindi kita masusundo kasi medyo maaga ako papasok, don't worry, sinabihan ko na si kuya na sunduin ka.
Agad akong nagreply.
To: Vynx 🦍
kahit wag na, nakakahiya sa kuya mo. Kaya ko naman magcommute
Ang bilis niyang magreply.
From: Vynx 🦍
No.
Okay. May period so hindi ko na siya kokontrahin kasi hindi talaga yan magpapatalo.
Pumayag nalang ako saka natulog na. Kinabukasan ay maaga akong nagising kasi ayokong paghintayin yung kuya ni Vynx.
Nag-ayos na ako at nung matapos ako ay tinignan ko ang oras. Masyado pa akong maaga kaya habang naghihintay ay nanood na lang ako ng TV.
From: Unknown Number
Hey, this is Kaleb. I'm outside your condo building.
Pagkabasa ko non ay agad na akong tumayo at kinalap lahat ng gamit ko at nagmamadaling lumabas. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Manang na siyang kasama ko ngayon sa condo dahil sa pagmamadali. Nakakahiyang paghintayin siya.
Namukhaan ko kaagad yung sasakyan niya dahil nakasakay na ako doon minsan.
Nakita kong may kasama siya na nakaupo sa shotgun seat, girlfriend niya ata. Kaya sa backseat ako umupo.
"Sorry po natagalan." Hingin tawad ko nalang nung nagsimula ng magmaneho si Kuya Kaleb.
Nginitian niya lang ako through the mirror habang yung girlfriend niya naman ay humarap saakin.
Ang ganda niya, meztiza. Mukha siyang mabait kasi napakaamo ng mukha niya. Nakangiti siya ngayon saakin.
"It's okay! Nakatira din ako sa building na 'yon," She looks jolly. "By the way, I'm Belle, you can call me Ate Belle, Kaleb's girlfriend." Nakangiti itong naglahad ng kamay saakin.
"Tanya po," nahihiya kong kinuha yung kamay niya for handshake. Makapal ang mukha ko pero may tinatago parin akong hiya, ano!
Napahalakhak ito ng mapansing tila kinakabahan ako. "Hey, I'm not gonna eat you alive," natatawang saad nito, nakita ko naman ang pag-angat ng labi ni Kuya Kaleb.
Humarap ulit ito sa harap, "So you're Vynx girl?" She asked, trying to make a conversation.
The whole ride ay parang si Ate Belle lang ang nagsasalita, kwento siya ng kwento. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong siya saakin.

BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...