Kabanata 22
After that day that we visited the island, Vynx drove back to Manila then the next weeks, both of us became busy, lalo na ako na graduating na sa high school.
And now, weeks before my graduation, I'm now in front of my Mom's room to ask something.
Kumatok muna ako bago binuksan yung pinto, naabutan ko siyang may mga ginagawang paper works.
"Hello, sweetie," bati nito saakin, nginitian ko naman siya saka naglakad na palapit sakanya.
"Ma, can we talk about something?" Panimula ko saka umupo sa harapan niya, agad naman niyang binitawan yung papel na hawak niya saka ako hinarap. This is what I love about my Mom, kahit gaano pa kaimportante iyan, uunahin niya kami.
"Hmm, is it something serious?" Nangingiting sabi niya.
"Not really, it's about college,"
Hinawakan niya ang mga kamay ko saka ako nginitian, "What is it?"
"I--want to study in Manila," there, straightforward.
Nanatiling kalmado ang mukha niya saka sumandal sa upuan niya.
"Akala ko ba doon ka sa university ng Ate mo?" Umiwas ako ng tingin. "Is it because of Vynx?" Dagdag niya pa.
Bumuntong hininga siya, "Anak, okay lang saakin 'yon pero talaga bang babaguhin mo ang mga plano mo for him?" Nagbaba ako ng tingin, unable to answer.
"Okay then, let me ask you," inangat ko ang tingin ko. "Is this really what you want?" Unti unti akong tumango, lumambot ang mga mata niya saka bumuntong hininga, "It's settled, then,"
Parang nagliwanag ang mukha ko, "Really? Thank you, Ma!" Hindi ko alam na mabilis siyang o-oo.
"Makakatanggi ba ako, eh you look like a begging puppy diyan eh," tumatawang sabi nito tapos biglang sumeryoso ang mukha.
"But if ako lang, ayoko sana," napatingin ako sakanya. "Natania, I'm thinking about your condition. Will you be able to live alone? Your heart-" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Ma, I'm okay, hindi na ako nagkakaroon ng chest pains, minsan nakakaramdam lang ng hingal but that's bearable, I think I'm fine now," nakangiti ako sakanya para ipakitang okay na talaga ako.
I have a Colonary Artery Disease, bata palang ako ay kapansin pansin na iyon, madaling hingalin, madaling mapagod, sumasakit ang dibdib and then noong nagpacheck up ako years ago, nalaman namin na may sakit nga ako sa puso, I had to go through therapies but noong gumaan na ang pakiramdam ko ay itinigil ko din, I pleaded to mom na itigil na lang iyon at mag-iingat nalang ako lalo, I hated hospitals ever since, takot ako sa mga Doctor, and I have also done my research, this cannot be cured but as long as I have a healthy lifestyle, cpear surroundings and peaceful mind, I'll be fine.
Ayaw talaga ni mama na tumigil ako kaso napilit ko din, saying that once na makaramdam ulit ako ng mga sakit ay magpapatherapy ulit ako pero hindi na mangyayari 'yon. Kapag sumasakit ang dibdib ko ay hindi ko sinasabi sakanya dahil ayoko nang bumalik pa sa hospital! Nagkukulong lang ako sa kuwarto hanggang sa mawala na ang sakit.
"Well, wala na rin akong magagawa, ayaw kitang pilitin sa hindi mo gusto pero please, Natania, sabihin mo saakin kung may nararamdaman ka," ipinikit nito ang mga mata nito na para bang nahihirapan.
Ngumiti ako sakanya saka nilapitan siya at niyakap, "I'll be fine, Ma, Vynx and I already talked about it and nandito ako para magpaalam,"
Bumitaw siya sa yakap, "Sandali nga, Natania," sinamaan niya ako ng tingin, "Maglilive in kayo?!"
BINABASA MO ANG
His Precious One
Teen FictionAmora Island Series : Uno, His Precious One. Dangerous but Natania Aditi La Madrid is that kind of person who is easy to fall in love that is why when she met Vynx Sandejas whom she met in her cousins wedding, she fell that fast. Long distance rela...