Chapter 29
Agents on duty
Mabilis naman na nakarating sa monitoring room sina Waxx at Michigan. Tumawag na din ng pulis upang ialis ang bangkay ng lalaki na nasa loob. Napa-iling nalang nga ang binata ng makita niya ito, samantalang ang dalaga naman ay hindi pa din siya mapakali hanggang ngayon na may patay sa tabi nila. Oo dapat sanayan na niya ang sarili niya sa bagay na ‘yun dahil sa kanyang kurso na kinukuha ngunit hindi niya pa din maiwasang mapa-isip. Tama nga ba ang choice niya ng pagpili ng course? Minsan tuloy nagsisisi na siya na hindi. Magulo ang utak niya pero pinilit nalang ituon ang kanyang atensyon sa ginagawa ni Waxx sa mga computer sa harap nito.
“Waxx matagal pa ba ‘yan?” tanong ni Michigan dito habang nakasandal sa may pader. Hindi din naman niya ito matulungan dahil wala siyang alam sa mga ganung bagay ang alam niya lang magbukas ng mga social networking sites na meron siya.
“Just a minute,” sagot ng binata habang nakatuon pa din ang atensyon sa monitor habang may kung anu anong pinipindot. Napapalo naman ang kamay niya sa mesa, tila maging siya naiiinip na din. Ang daming video files na nacorrupt at nirerecover niya pa ang mga ‘yun isa isa upang mapanuod nila ng buo ‘yung nangyari bago namatay ‘yung lalaki kanina.
Bigla namang bumukas ‘yung pinto kaya’t napatingin sila dito. Nakita nila ang mga pulis pala ito na may dalang stretcher at kukuhanin na ‘yung bangkay upang ipa-autopsy na din. Hindi sapat ang nakita ni Michigan ng hawakan niya ito, hindi din naman niya pwedeng sabihin ito sa mga pulis baka pagkamalan lang silang baliw.
“Bingo!” biglang sambit ni Waxx ng marecover na niya ang mga nacorrupt na video files. Inayos na din niya ang system ng CCTV upang mamonitor nito ang mga tao na nagsasaya na sa loob ng hall. Lumapit naman si Michigan sa kanya at sabay nilang pinag-aralan at pinanuod ang mga ito.
“Siya ‘yung lalaking lumabas kanina noong pumasok kami!” giit ng dalaga habang nakaturo pa sa lalaki nasa screen habang inilalagay nito ang mga bomba.
“Kung ganoon magiging madali nalang ito,” sambit ni Waxx at inilagay niya ang usb sa loob ng cpu upang kopyahin ang mga video fiiles na narecover niya. Pagkatapos ay hinila na si Michigan palabas ng monitoring room upang sundan sina Vinch at Rhanna.
****
“Vinch, do you really know where he is?” tanong ni Rhanna na tila naiinis na. Kanina pa kasi sila palakad lakad sa tabi ng hotel ngunit hindi naman niya makita kung nasaan ang hinahanap. Napahinto naman ang binata at nilingon siya.
“Pinagduduhan mo ba ang kakayahan ko Rhanna?” napa-urong naman ang dalaga, ang seryoso kasi ng pagkakasabi ng binata sa mga salitang ‘yun. Lumunok muna siya bago sumagot.
“No!” aniya. “Kanina pa kasi tayo pa-ikot ikot dito tapos---“ Napalingon sila sa narinig na ingay. Nakita nilang natumba ‘yung motorsiklo nung lalaki kaya’t napasubsob ito sa semento. Kasabay na tumalsik ang mga gamit nito, nagkatinginan sina Rhanna at Vinch ng makitang may kutsilyong nahulog muna doon sa lalaki.
“There he is,” nakangising sambit ni Vinch at handa ng lapitan ‘yung lalaking nagmamadaling itayo ‘yung motorsiklo niya dahil napansin nito ang paglapit ng dalawa sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/27217264-288-k167797.jpg)