AX4 II: 3.

825 29 27
                                        

AX4 II: 3. "You are under arrest."

"BERT!"

Nabitawan ng security guard ang hawak na baril nang paputukan ito na kung sino man.

Luminga-linga ang apat na Agents upang makita kung sino ang nagpaputok na 'yon pero wala silang makita. Ang alam lang nila nanggaling 'yon sa labas ng bahay ni Mr. Cabrera dahil sa may bintana unang tumama ang bala.

Tinulak ni Waxx si Vinch na dahilan nang pagkaka-upo nito sa sahig at tumama ang paa nito ang baril na akmang pupulutin ni Bert. Nagulat ang lahat dahil do'n.

Inis na lumingon si Vinch sa kanilang lider.

"Warning muna parida bago tulak!"

Ngumisi si Waxx. "Next time."

"Fuu, mukha ba akong mop?" May bahid pa rin ng pagka-inis ang boses ni Vinch bago tumayo ngunit kaagad niyang natumba ulit nang itulak siya ni Bert at patakbong dinampot ang baril na ilang hakbang ang layo sa kanila. "Sabi ng warning muna bago tulak! Ba't 'di niyo magets? Utang na loob mga Parida!" Sinubukan niyang muling tumayo ngunit kaagad bumungad sa kanya ang nguso ng baril na hawak na ngayo ni Bert.

"Tinulak mo na nga ako, babarilin mo pa ako. Hanep. Mapang-api ka parida!"

"Manahimik ka!" sigaw ni Bert kay Vinch.

"Tignan mo 'to, sisigawan—"

Isang putok na naman ng baril ang kanilang narinig na dahilan ng pagbagsak muli ng baril sa konkretong sahig sa bahay ni Mr. Cabrera.

Muling nagkatingin ang apat na Agents. Pare-parehong nagtatanong at may pagtatakha ang kanilang mga mata.

Bago muling madampot ni Bert ang baril, e, pinulot na ito ni Waxx dahil malapit sa kanya ang pinagbagsakan ng baril.

Nilaro-laro niya ito sa kanyang kamay habang nakatingin sa salarin. May nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Matagal na akong hindi nakakahawak ng baril. Is this a blessing?"

Bakas sa mukha ni Bert ang takot. Hindi malaman ang gagawin. Alam niyang sa oras na tumakbo siya babarilin siya at kung hindi man, alam niyang may naghihintay sa kanya sa labas na kasamahan ng apat.

"This is getting boring," bulong ni Rhanna na katabi ni Michigan.

Nasa likuran nila si Mr. Cabrera at ang iba pa nitong kasamahan. Tila pinoportekstyunan ng dalawang dalaga ang amg ito mula kay Bert. Hindi pa rin humihinto si Diane sa pag-iyak.

Lumingon si Michigan sa mag-ina na ikinabigla ng mga ito.

"Don't just cry, do something! Change his bad deeds to good. Tell him to stop. Hindi makakabuti sa kanya kung manlalaban siya. Kung may balak man siyang tumakbo, hindi pa rin siya makakatakas sa 'min."

Lumingon na rin si Rhanna. "My, my. Love is really scary." Bumuntong hininga ito. "Mas nakakatakot pa sa tama ng bala. Do what my collegue says. Kung ikaw ang dahilan ng pagkakaganyan niya, ikaw din dapat ang maging dahilan para huminto siya."

Tumango-tango si Diane habang impit pa rin ang kanyang pag-iyak. Hinarap ang Ina na tila pinipigilan siya dahil sa higit ng pagkahawak sa kanya nito.

"N-Nay, okay lang po."

"Paano kung mapahamak ka—"

"She won't," paninigurado ni Michigan. "He loves her. He doesn't like Diane to be hurt that's why it ended up like this. Hindi niya sasakyan ang gusto niyang ipagtanggol."

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon