Chapter 40
The culprit
“M-magkapatid kayo?” namimilog pa rin ang mga mata ni Michigan matapos marinig ang mga sinabi ni Waxx. Tila hindi mapasok lahat sa kanyang isip ang mga ‘yon. Hindi siya makapaniwala, hindi niya alam kung maniniwala ba siya o ano. “Seryoso ba ‘yan Waxx? Alam kong ampon si Rhanna pero ang hirap lang kasing paniwalaan na magkapatid kayo, hindi ko... ewan ko.”
“Michigan, I know it’s hard to believe. Pero sana... sana talaga siya na ang kapatid ko,” may kung anong emosyon sa mata ni Waxx ng banggitin niya ang salitang kapatid. It’s like he’s really longing for his sister. It’s been years after all. Kaya’t kahit na hindi pa rin siya sigurado, tinaya na niya ulit ang pag-asa niya. Kahit masaktan sa bandang huli wala na siyang pakialam basta ang mahalaga sa mga oras na ‘to, may katiting na pag-asang muling nabuhay sa puso niya. ‘Yon na muna ang iisip niya.
“What if it’s not her?” tanong ni Michigan sa kanya.
Natahimik ang binata pero sa kabila nito may namuo parang ngiti sa labi niya. “I don’t know, I already set aside that thought...”
“B-but Waxx...”
Napatingala silang pareho nang makarinig na naman ng pagsabog sabasay no’n ang pagkamatay ng ilaw sa kinaroroonan nila. Dilim ang bumalot sa kanilang dalawa, nanginginig ang lupang inaapakan, may mga debris na nahuhulog mula sa sahig na pinagbagsakan nila pareho. Sinindi ni Waxx ang kanyang telepono na halos na puno na rin ng damages dahil sa pagbagsak niya kanina, kinapa rin ni Michigan ang kanyang bag sa sahig, kinuha ang cell phone at binuksan ang flash light nito upang magkaroon ng liwanag kahit papaano. Nagkatinginan ang dalawa at parehong nagseryoso ang hilatsa ng mukha.
“We need to get out of here,” utos ni Waxx. “Kailangan nating makita si Rhanna,”
“Nasaan ba siya?” may pag-aalala sa tono ni Michigan.
Narinig niya ang buntong hininga ni Waxx. “Nagkahiwalay kami kanina,” mahinang sambit nito. “Kailangan ko siyang makita..”
“Paano tayo makaka-alis?” tanong ni Michigan habang inilibot ang paningin sa kinaroroonan. May mga alikabok pang namumuo sa kanilang kinatatayuan at maliit na batong tumatama sa kanilang katawan ngunit hindi nila ito iniintindi. “Were trap, walang tayong ibang dadaanan kundi ang butas na ‘yan!” sabay turo sa kisameng may malaking butas.
“Wait, okay pa ba ang phone mo? Try to contact Lei,” utos ni Waxx, mabilis namang nagpindot sa kanyang telepono ang dalaga. Tinagawagan ang numero ng assistant ng doktor. Ngunit kunot noo niya itong tinanggal sa tapat ng kanyang tenga at hinarap si Waxx.
“Out of coverage..” anito at bumuntong hininga.
“Masama ang kutob ko,” sambit ng binata at mabilis na naglakad sa dulo ng silid. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit isinara niya rin itong muli dahil sa malalaking bato na nagbabadyang pumasok sa kinaroroonan nila. Mga nagbagsakang semento at kung anu anong gamit, halos sira na talaga ang base nila. Halos hindi na ito makilala pa.
Kinagat niya ang cell phone upang makalagaw ng maayos, kinuha ang isang swivel chair na natabunan ng mga bato. Dinala niya ito sa mismong gitna ng butas na dahilan ng kanilang pagkahulog. Itinulak niya rin ang lamesa kahit na basag na ang salamin na cover nito, pagkatapos ay binuhat ni Gan ang upuan kanina na kinuha nilagay nila ito sa ibabaw ng mesa.
“Mauna ka sa taas, susunod ako..” giit ni Waxx nang kunin na niya ang telepono sa kanyang bibig at itinutok ang ilaw nito sa itaas kung saan sila dadaan.
“Sige pero tawagan ko lang si papa, we badly need help here!” napatango si Waxx sa sinabi niya. Mabilis na nagpipindot na naman si Michigan sa kanyang telepono.
