Chapter 37 - Operation X

1.1K 50 5
                                        

Chapter 37

 Operation X

“Where’s Vinch?” tanong ni Rhanna kina Waxx at Michigan. Nasa loob sila ng base at halos araw araw na tumatambay ang dalawa simula nang malaman nila ang tungkol sa hacker. Hindi pa rin sila dapat makapampante kahit na ilang araw na itong hindi nagpaparamdam.

Kumunot naman ang noo ni Michigan sa tanong ni Rhanna. Bakit niya hinahanap ang binata? “Hindi pa man siya pumunta dito. May problema ba?” tanong niya pabalik.

Umiling si Rhanna at napapikit. “N-nothing...” sabay alis niya ng walang pasabi. Nagkatinginan sina Waxx at Michigan. Hindi nila alam kung bakit gano’n nalang ang inasta ni Rhanna.

“Sa tingin mo may problema?” tanong ni Michigan sa binata habang busy sa pagkalikot ng kanyang laptop. Binigyan niya muna ng isang sulyap ang dalaga bago sumagot.

“Hindi naman ‘yan nawawala,”

Nabigla nalang si Waxx ng tumayo si Michigan mula sa pagkaka-upo. “Susundan ko siya...” determinadong giit niya.

Umiling ang binata at tila ipinapakita na hindi magandang ideya ‘yon. “Don’t..”

“Pero bakit hindi?!” sigaw niya na siyang ikinabigla ni Waxx. Nakita nito na unti unting namumuo ang luha sa mga mata ni Michigan hanggang sa tuluyan na itong nahulog sa pisngi ng dalaga. “Kausapin nalang natin siya, alamin natin ang totoo. Waxx, I can’t take this anymore. Hindi na ako mapalagay, knowing that one of us is a traitor..” nanginginig ang kanyang lalamunan at basag ang kanyang boses. “Sa maiksing panahon na kasama ko kayo hindi ko itatanggi na parte na kayo ng buhay ko, mahalaga kayo saakin kaya kausapin na natin si Rhanna... alamin na natin ang totoo.” Nagsusumamo ang kanyang mata na nakatingin sa binata.

Napabuntong hininga na lamang si Waxx. “Okay...” ‘yon nalang ang tangi niyang nasabi. Kahit siya kating kati na malaman ang totoo. Kung tama ba ang hinila nila, hindi na niya iniisip kung paano haharapin ang mga ito ang gusto niya nalang matapos na ang lahat.

****

“Vinch!” napalingon ang binata nang tawagin siya ng hinihingal na si Rhanna. Naka-upo ito sa isang public bench, kung saan dito niya nakita no’n ang dalaga na tila may malalim na iniisip. Lalapitan na sana nito ang binata ngunit napahinto siya nang makita ang pamilyar na folder sa tabi nito. Ang folder na ilang araw na niyang hinahanap.

Mabilis na umakyat ang kaba sa kanyang dibdib lalo na’t nagtama ang mga mata nila ng binata. Nanginginig ang kanyang labi at tila hindi alam ang gagawin o sasabihin. Napakaseryoso ng tingin ni Vinch sa kanya na tila nanunuot sa buo niyang pagkatao.

“V-vinch..” pagtawag niyang muli sa pangalan nito ngunit kasing hina nalang ‘yon ng isang bulong. Nakita niyang gumalaw mula sa pagkaka-upo ang binata, dinampot nito ang folder sa tabi niya at lumapit kay Rhanna na hanggang ngayon naninigas sa kaba mula sa kanyang kinatatayuan.

Inilahad ng binata ang folder na hawak niya sa tapat ng dalaga.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon